Connect with us

Entertainment

Anak ni Andi Eigennman at Philmar Alipayo na si Baby Lilo, Kitang-kita ang Ka-Cutan at Matamis na Ngiti sa Kanyang 1st Birthday Photoshoot

Published

on

Napakabilis naman talaga ng paglipas ng panahon at ang mga anak natin ay kaybilis rin ng paglaki. At kasabay nga ng kanilang paglaki ay ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan. At ang unang taon ng pagdiriwang ng kanilang kaarawan ay ang pinakainaabangan sa lahat. Dahil ito ang unang taong selebrasyon ng kanilang espesyal na araw na dapat ipagpasalamat.




Kaya naman, bilang isang ina ay labis ang pasasalamat ng aktres na Andi Eigenmann dahil ang kanyang pangalawang anak na si Baby Lilo ay masayang nagdiwang ng kanyang 1st Birthday.

Photo credits: andieigengirl | Instagram  

At sa unang taon nga ng pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Lilo ay may nakakaantig na mensahe si Andi para sa anak.

“Happy 1st birthday to this tiny little love of ours! 365 days went by so quickly and a lot has happened around us, but having you kept our lives staying as positive as can be, and our hearts filled with so much joy. You are truly one of a kind, Lilo, and you’re life has just begun! I can’t wait for what life has in store for you… and the other way around”.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

Sa mensahe nga ni Andi, mababakas na punong-puno ito ng pagmamahal para sa anak at tanging mga positibong bagay lamang ang nais niya para sa kanyang Baby Lilo.

Noong July 23, ipinagdiwang ni Baby Lilo ang kanyang 1st Birthday at kasabay nito ay ang pagsasagawa ni Andi ng Birthday Photoshoot para kay Baby Lilo upang maalala ang espesyal na araw na ito ng kanyang anak.




Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ni Andi mula sa photoshoot ng anak na napakamalikhain at kakaiba ang konsepto nito. Dahil nga, mas nais ng aktres na simple ngunit maganda ang kalabasan ng photoshoot, ay mga bagay na mula sa kalikasan ang ginamit ni Andi bilang background. Kagaya na lamang ng mga tuyong dahon, mga naggagandahang mga bulaklak at ilang palamuti na mula rin sa kalikasan.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

Samantala, ang napakacute namang si Baby Lilo ay tila sanay na sanay namang makunan ng larawan dahil talagang ipinamalas nito ang kanyang matamis na ngiti sa harap ng kamera. Sa bawat larawan nga ay masisilayan ang cute at matamis na ngiti ni Baby Lilo. Kasama rin ni Baby Lilo sa photoshoot ang kanyang Ate Ellie at Mommy Andi. Bagama’t wala ang kanyang Daddy Philmar dahil abala umano ito sa pag-eensayo sa nalalapit na surfing competition, ay makikita naman na masaya ang celebrant kasama ang kanyang ina at Ate Ellie.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

Marami na naman ang nabigyan ng ngiti sa mga labi ni Baby Lilo dahil sa ka-cutan nito. Ang mga netizens nga ay humanga sa napakacute na larawan ni Baby Lilo at nagtrending pa ito sa social media kung saan ay bumuhos ang mga positibong komento at pagpuri kay Baby Lilo. Marami rin ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Baby Lilo.




Ang kahanga-hangang kuha naman ng mga larawan ay binigyang kulay ng mahusay na photographer mula sa Nice Print Photo.

Happy 1st Birthday Baby Lilo!

error: Content is protected !!