Connect with us

Inspiring

Anak Ng Empanada Vendor At Welder, Umani Ng Paghanga Mula Sa Publiko Matapos Makamit Ang 10th Place Sa Nursing Board Exam

Wala nang papantay sa kaligayahan ng mga magulang kapag ang kanilang mga anak na pinalaki at pinag-aral ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Ayon nga sa kasabihan, “ang edukasyon ang pinakamagandang pamana mula sa mga magulang”, dahil ito nga ang magiging daan para sa pag-abot ng mga pangarap para magkaroon ng magandang kinabukasan.

CREDITS: GMA News | YT

Kaya naman, ang mapagtapos ng kolehiyo ang mga anak ay isa nang napakalaking tagumpay para sa mga magulang. Ngunit, paano pa kaya kung maliban sa pagtatapos sa kolehiyo, ay ng nagkamit pa ng pwesto sa board isang ang isang masipag mag-aral na anak.

CREDITS: GMA News | YT

Isang kwento nga na puno ng inspirasyon ang hatid ng anak ng isang empanada vendor at welder sa mga netizens. Umani ng paghanga mula sa publiko na ang Nursing student na si Shanara Mica Guta Tamayao matapos niyang magkamit ng 10th player sa Nursing Board Exam.

CREDITS: GMA News | YT

Ang dalagang si Mica na mula sa Laoag City, Ilocos Norte, ay hinangaan ng publiko matapos niyang ipakita at patunayan ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral sa kabila ng kanilang estado sa buhay.

Minsan nang naitampok ang kwento ni Mica sa programa ng GMA Network na 24 Oras para maghatid ng inspirasyon sa mga taong nangangarap. Ang kwento nga ni Mica, kung saan ay itinaguyod ng kanyang mga magulang na empanada vendor at welder ang kanyang pag-aaral ay pinatunayan na hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang pangarap sa buhay.

CREDITS: GMA News | YT

Ipinakita ni Mica na kahit mahirap lamang sila, ay nararapat niyang suklian ang sakripisyo ng kanyang mga magulang para mapag-aral siya. At bilang ganti nga ay talagang nagsumikap si Mica sa kanyang pag-aaral kung saan nga ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kursong Nursing. Maliban dito, ay talagang proud na proud rin ang kanyang mga magulang sa kanya dahil nakuha rin niya ang ika-10 pwesto sa Nursing Board Exam.

CREDITS: GMA News | YT

Si Mica ay consistent honor student magmula elementarya hanggang high school. At sa kanyang pagtuntong sa kolehiyo ay nagtapos siya nursing degree sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte. Bilang panganay na anak, ay nais niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Bago naman magtrabaho, ay nais munang kumuha ni Mica ng National Council Exam at Masteral Degree.

CREDITS: GMA News | YT

Tunay nga na sa pag-abot ng pangarap, anuman nga ang estado ng buhay sa kabila ng kahirapan, ay hindi ito magiging hadlang. Bagkus nga, ay ito pa ang magsisilbing inspirasyon at lakas para patuloy na magsumikap sa buhay para maabot ang pangarap na inaasam.

error: Content is protected !!