Anak ng Dating Sikat na PBA Player, Isa ng Matinik at Magandang Basketball Player ng UST Growling Tigresses

Tunay na marami tayong hinahangaan na magandang lalaki at babae ngayong araw.
Kung ating pag-uusapan ang aspeto ng kagandahan, hindi lang ito basta tumutukoy sa pisikal na ganda, mala-porselanang kutis, magandang katawan ngunit ito ay mas tumutukoy sa karakter, personalidad, hobbies at interes ng isang tao.

Minsan may mga taong mas tumitingin hindi lang sa pisikal na taglay ng isang tao kung hindi ang angkin niyang kakaibang talento at kakayahan. Mas lubos naman na nakakabighani ang ating mga idolo kung taglay nila ang parehong talento at magandang pisikal na anyo.



Katulad na lamang ni Christiana Gabrielle Dimaunahan anak ng dating Professional PBA Basketball Player na si “Aries DiMaunahan”, bukod sa kanyang magandang mukha, mas kinagigigliwan siya ng mga followers sa kanyang social media dahil sa mga talento na mayroon siya gaya ng angking galing sa “poetry”, aspiring artist, at sa pangarap niya na maging isang manunulat sa hinaharap.

Ngunit higit na napansin ng netizen na follower niya sa kanyang social media account ang katagang isa siyang “hoop destroyer”. Kamakailan lang ay dinagsa ang kanyang social media account ng mga tagahanga dahil sa angkin na kagandahan.

Ang apatnapu’t isang taong gulang na si Aristeo Dimaunahan o mas sikat sa kanyang propesyon bilang Aries DiMaunahan, dating player na ngayon ay coach na rin sa nasabing liga. Huli siyang nakapaglaro sa San Miguel Beermen noong ASEAN Basketball League.

Kasakuluyang siyang coach ng team na Blackwater Elite sa PBA, siya ay kasal sa dating child star na si Jane Saleta na nagdesisyon na iwan ang buhay showbiz sa edad na 18 para unahin buhay may-asawa. Biniyayaan si Aries at Jane ng dalawang magandang anak na babae si Christiana at Chanel.



Tatlo dapat silang mgkakapatid, ngunit sa kasamaang palad ay nawala ang panganay dapat na anak nila na si Aristeirre Jared, apat na araw matapos siyang isilang dahil sa isang congenital disease.

Ayon pa sa ulat, ipinanganak si Christiana na kulang sa buwan, nasa pang 33weeks pa lamang siya ng siya ay isilang ng kanyang ina at inabot ng apat na taon bago masundan ng isa pa nilang anak na si Chanel. Sa ngayon ay 18 taong gulang pa lang si Christiana samantalang 14 naman si Chanel.

Sa kabilang banda, tuwang-tuwang inamin ng kanilang si Jane sa panayam niya sa PEP na kahit na malalaki at dalaga na ang mga anak ipinaghahanda pa rin niya ang mga ito ng kanilang mga isusuot araw-araw. Palagi niyang nakakasama sa mga lakad ang mga anak kung saan nila naeenjoy ang companion ng isat-isa mula sa pagpunta sa salon maski sa simpleng pag-iikot sa mall.



Mapalad ang kanilang mga magulang dahil naging mabuting anak si Christiana at Chanel bukod pa doon ay mahuhusay din sila sa kanilang mga school kung saan sila ay mga “Academic Achievers” mula pa noong kanilang pre-schools.

Pangarap ni Christiana na maging CPA – lawyer at hindi malaon ay mangyayari yun dahil kasalukuyang kumukuha siya ng kursong Accountancy sa UST kung saan siya ay naging player ng Growling Tigresses.

Talaga namang nakabibighani ang taglay niyang husay sa loob ng basketball court at maging sa kanyang pag-aaral, kaya’t di maiwasan ng maraming netizens ang humanga sa kanya.