Connect with us

Entertainment

Anak ng Dating Mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na si Santino, Masayang Nagdiwang ng kanyang 13th Birthday

Published

on

Napakasaya naman talagang magdiwang ng espesyal na okasyon katulad na lamang ng birthday kapag buo at magkakasama ang pamilya. Ngunit, sa mga hindi inaasahang pagkakataon, may ilang pamilya na nauuwi sa broken family dahil sa paghihiway ng mga magulang at ang higit na apektado sa sitwasyong ito ay ang mga anak.

Katulad na lamang ng dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na nauwi ang pagsasama sa hiwalayan noong 2013 dahil umano sa pang-aabuso ni Raymart kay Claudine. Ngunit, sa kabila ng paghihiwalay nilang dalawa, hindi naman nila hinahayaang pabayaan na lang ang kanilang anak na si Santino na ngayon ay nasa poder ni Claudine.





Hindi man naging madali ang mga pinagdaanan nila sa kanilang paghihiwalay, nagagawa pa rin nilang magkasundo pagdating sa kanilang anak. At ang kanilang paghihiwalay nga, ay hindi naging hadlang upang iparamdam ang kanilang pagmamahal sa kanilang anak na si Santino.

Kamakailan nga, ay masayang nagdiwang ng ika-13 Birthday si Santino kung saan ay ipinaramdam ng kanyang mga magulang ang pagmamahal sa kanya sa pamamagitan ng nakakaantig na mensahe sa kanilang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Para nga kay Claudine, si Santino ang nagsisilbing buhay niya kaya ang tanging hangad niya para sa anak ay ang makakabuti rito.

“To my Dearest Santino, belated happy birthday my Son. Thank you for the luv u have for your sisters & Brother,being Our Protector our sungit Clown & my life. I pray that u grow up to b the Man God wants u to be.i will always b here to guide u in whatever it is that u want to be in life.im so Proud to be called your Mom. Now that your a teenager pls don’t break hearts my Son.i luv u more than life itself.”




Samantalang ang aktor naman na si Raymart ay nagbigay ng maikling mensahe ngunit punong-puno naman ng pagmamahal, at ayon nga sa aktor ay ito pa rin ang kanyang “baby boy”.

“No matter how old you get, know that you will always be my baby boy. Happiest birthday to you anak I LOVE YOU.”

Bagama’t nasa gitna ng quarantine, makikita na masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan si Santino. Sa mga larawan ngang ibinahagi ni Claudine sa Instagram, makikita na nagkaroon ng isang birthday party si Santino sa kanilang tahanan.

Samantala, maliban naman kay Santino ay may mga adopted ring anak si Claudine. Kabilang na nga rito si Sabina na unang naging adopted niya. At noong 2017, ay muli na naman siyang kumupkop ng isang bata, siya naman si Quia. Hindi naman nagsasawang iparamdam ni Claudine ang pagmamahal niya sa mga batang hindi niya kadugo, at noong nakaraang taon lamang muli na namang nag-adopt si Claudine, siya si Noah.

error: Content is protected !!