Connect with us

Entertainment

Anak ng Beteranang Aktres na si Dawn Zulueta at Antonio Lagdameo, Jr., Masayang Nagdiwang ng ika-11th Birthday

Published

on

Ang beteranang aktres na si Dawn Zulueta ay kilala sa industriya ng showbiz sa kanyang angking galing sa pag-arte. Isa rin siya sa mga itinuturing na may pinakamagandang mukha sa industriya na sa kabila ng kanyang edad ay tila hindi siya tumatanda.




Hindi naman maitatanggi na talagang napakaganda niya kahit noon pa man. Kaya naman, maraming lalaki ang nabighani sa kanyang taglay na kagandahan. Isa na nga rito si Antonio Lagdameo, Jr., na ngayon ay siya naniyang kabiyak sa buhay.

Nagsisimula ang pagmamahalan ng dalawa sa pagiging magkaibigan dahil sa kanilang mutual friends. Hindi nga nagtagal ang pagtingin sa isa’t isa bilang magkaibigan ay mas lumalim pa at nauwi sa pagiging magkasintahan.

At noong December 1997 nga, ang kanilang pag-iibigan naman ay pinatunayan sa isa’t isa sa kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa University Club sa Manhattan sa New York City. Maraming pagsubok ang pinagdaanan nilang mag-asawa, ngunit hindi sila nagpatinag sa anumang problema bagkus ay mas lalo pang naging matatag ang kanilang pagsasama na punong-puno naman ng pagmamahal.




Ang kanilang masayang pagsasama nga ay biniyayaan ng dalawang anak. Si Jacobo Antonio Lagdameo na 14 taong gulang ang panganay nilang anak at Ayisha Madlen Lagdameo naman ang bunso.

At noong June 22 nga, araw ng Lunes ang bunsong anak ng mag-asawang Dawn at Anton ay masayang nagdiwang ng 11th Birthday. Sa espesyal na araw nga ng kanilang prinsesa na si Ayisha, nagbahagi ang beteranang aktres ng isang sweet na mensahe sa Instagram kung saan mababakas ang pagmamahal ng isang ina. Kasama rin sa post ng aktres sa Instagram ang larawan ni Ayisha na makikita ang masayang ngiti sa mga labi. Sinamahan rin ito ng aktres ng larawan nilang mag-asawa na kasama ang anak.

“Another year has passed, and you grow more beautiful and grand each year. Our baby, our little princess, our daughter—always so sweet and caring. We love you!”

Talaga nga namang ang kaarawan ay napakaespesyal na araw sa ating buhay dahil ito’y biyaya na dapat nating pasalamatan sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa atin.

Happy Birthday Ayisha!🎂❤

error: Content is protected !!