Connect with us

Entertainment

“Anak napakatapang mo, hinahangaan kita”: Jaclyn Jose, Humingi ng Kapatawaran sa Pagkukulang Niya sa Kanyang Anak na si Andi Eigenmann, Hinangaan rin ang Katapangan ng Anak

Isa nga sa nagbibigay ng kapanatagan sa mga magulang ay ang makitang tahimik at may maayos na buhay ang kanilang mga anak. Bukod nga sa nais na lumaking mabuti ang mga anak, ay ipinanalangin rin ng halos lahat ng magulang ang magkaroon ng maayos na pamilya ang kanilang mga anak.

At kapag nakita nga ng mga magulang na maayos at masaya ang kanilang mga anak sa nabuo nitong pamilya, ay walang katumbas na saya naman ang kapalit nito sa kanila. Katulad na lamang nga ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose na masayang-masaya at ipinagmamalaki ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa buhay na tinatamasa nito ngayon.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Kamakailan lamang, ay isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Jaclyn sa Instagram, kung saan ay humingi siya ng tawad sa naging pagkukulang niya bilang isang ina kay Andi. Hinangaan rin ni Jaclyn ang pagpapalaki ni Andi sa tatlong niyang anak.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Kalakip ng throwback photo kung saan makikitang magkasama sila ni Andi na noong ay napakacute na baby pa lamang. Mababakas sa mensahe ng award winning aktres ang labis na emosyon at pagmamahal sa kanyang anak na si Andi. Sinabi rin ni Jaclyn, na suportado niya anuman ang nais gawin sa buhay ni Andi.

“Anak, hinahangaan kita sa kung anong meron ka sa buhay ngayon. Napakatapang mo, sana ako rin. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko… Anak, mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. Mag-ingat ka palagi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Makikita naman talaga kung gaano kasaya ngayon si Andi sa piling ng kanyang fiancee na si Philmar Alipayo at tatlo niyang anak sa isla ng Siargao. Sa kabila nga ng simpleng pamumuhay sa isla, ay hindi naman maikakaila ang saya at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Kamakailan lamang nga ng makabalik sa isla Siargao ang pamilya ni Andi. Ngayon nga, ay mas lalong masaya ang kanilang pamilya dahil sa kanilang bagong bundle of joy na si Baby Koa.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Matatandaan naman na noong inanunsiyo ni Andi at Philmar ang kanilang engagement ay hindi rin naitago ni Jaclyn ang saya nang ibigay niya ang blessings sa pagsasama at nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa.

“And then she said ‘yes’ and swam away. I so love the nuances in the photo. It says a million why I like this guy. “Be merry and healthy, I will always have your back. Madami ako natutunan sa’yo and I am thankful to have a daughter who can make me bow in all her decisions in life. “I love and admire you. Be yourself, anak. Swim your dreams. Paghango mo, andito ako at si Gwen. I admire you for balancing Ellie to be the first… I am happy my family is growing. I can’t wait to meet the baby boy!”

error: Content is protected !!