Connect with us

Entertainment

Amy Perez, Binigyang Pugay ang mga Kasambahay at Housewife Matapos Maranasan Maging Housewife sa Gitna ng Pandemya

Marami sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ang abala sa kanilang trabaho, kung kaya’t kumukuha na lamang sila ng mga kasambahay upang mag-asikaso sa loob ng bahay. Kasama na riyan ang pagluluto, paglilinis, paglalaba at pag-aalaga sa mga anak.

Dahil nga, may kasambahay, ay hindi naranasan ng ilang misis ang mga nasabing gawaing bahay. Ngunit, sa pagdating ng pandemya at hindi paglabas ng mga tahanan, ay nabigyan ng pagkakataon ang ilang misis na maranasan ang maging housewife at gawin ang mga trabahong ginagawa ng kasambahay.




Katulad na lamang ng TV host na si Amy Perez na matagal nang pangarap maging housewife pero hindi niya magawa dahil ibang buhay ang ibinigay sa kanya ng tadhana. At ngayon ngang halos anim na buwang pananatili sa loob ng tahanan dahil sa kawalan ng trabaho, ay nagkaroon siya ng oras na bigyang katuparan ang pangarap niyang maging housewife. Bagama’t, hindi niya inaasahan na mangyayari ito, ay ginawa niya parin ang lahat ng kanyang makakaya.

Pagbabahagi nga ni Tiyang Amy sa kanyang Instragram, akala niya raw noong una ay madali lang maging housewife ngunit nang tumagal ay napagtanto niya na napakahirap palang maging housewife.

“When it happened during the start of our quarantine, akala ko kaya ko. Pero nung tumagal, parang masisira ang ulo ko. Ang hirap palang maging housewife.”

At dahil nga sa matinding hirap ng pagiging housewife at kasambahay sa dami ng ginagawa, ay saludo at malaki ang respeto niya sa mga ito.

“As in major SUPER TAO dapat ang level of skills mo at pasensiya. Ang daming ginagawa. Hindi ka pa tapos sa una, may kasunod na agad. Talagang iba ‘yong sacrifice at dedikasyon na kailangan kaya saludo ako sa lahat ng housewives, househusbands, kasambahay, at lahat ng taong bahay.”

Samantala, hindi naman naiwasan ni Tiyang Amy na balikan ang kanyang kabataan noon, na ngayon nga ay naiintindihan na niya kung bakit mabilis uminit ang ulo ng kanyang ina.




“Ngayon gets ko na si Mamadal ko kung bakit nung bata ako, ang init ng ulo niya e humihingi lang naman ako ng P20 na baon.”

Nagbigay naman ng payo ang TV host sa mga anak na mahalin at pahalagahan ang mga magulang dahil hindi biro ang ginagawa ng mga ito upang magkaroon ng maayos na pamilya.

“Kaya kayo mga bata, kahit hindi mother’s day o father’s day, learn to appreciate your parents and obey them.”

Ayon naman kay Tiyang Amy, bagama’t, hindi siya isang housewife dahil abala sa trabaho, at ngayon lamang niya nalaman at naranasan ang hirap ng pagiging isang housewife, ay masaya naman siyang ipakita ang pagmamahal sa kanyang pamilya sa paraan na alam niya.

error: Content is protected !!