Connect with us

Entertainment

Alice Dixson, Walang Pagsidlan ng Tuwa Matapos Matupad ang Hiling na Magkababy Makalipas ang 10 Taon

Nag-uumapaw ang kaligayahan at labis rin ang pasasalamat ng batikang aktres na si Alice Dixson, dahil ang matagal na niyang ipinapanalangin sa wakas nga ay dininig na ng Diyos makalipas ang 10 taong paghihintay.

Credits: Alice Dixson | Instagram

Sa isang Facebook post, ay masayang ibinalita ng 51 taong gulang na aktres, na isa na siyang ganap na ina. Sa bawat kataga nga ng kanyang post, ay mababakas ang kanyang saya at pasasalamat. Ibinahagi ni Alice ang isang larawan kung saan makikitang may hawak siyang maliit na papel, at dito naman ay masisilayan ang foot prints ng isang baby.

Maituturing naman na isang milagro ang nangyaring ito sa buhay ni Alice at ng kanyang partner. Sa kabila nga ng mga pagsubok na nararanasan ngayon, ay isang biyaya ang ipinagkaloob ng Diyos kina Alice.

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle,”panimula ni Alice.

Ayon naman kay Alice, ay sampung taon na niyang ipinagdarasal ang magkaroon ng baby. At ito nga ang kanyang hiling sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan taon taon.

Credits: Alice Dixson | Instagram

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles.”

At ngayon matapos ang mahabang paghihintay at pagtitiwala, ay ipinagkaloob na sa kanila ang kanyang kahilingan na talagang nagbigay ng labis na kaligayahan sa kanya at kanyang partner.

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true.”

“Our newest little family member has arrived. From my family to yours, Advanced Happy Easter.”

Credits: Alice Dixson | Instagram

Samantala, hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Alice patungkol sa kanyang post at sa tinutukoy niyang baby. Ngunit, matatandaan sa mga naunang panayam na sinabi ni Alice na susubukan nila ang pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng makabagong paraan o surrogacy.

“Well my personal journey is super personal, pero sige I will share it. We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try.”

At dahil nga may edad na, ay baka hindi na siya magkaroon ligtas na pagbubuntis. Kaya naman, ang tanging nasa isip na lamang ni Alice ay ang kaligtasan ng kanyang magiging anak. Dahil dito, ay nagpasya siya na subukan na nga ang surrogacy dahil baka ito na nga ang huli nilang pag-asa. Hindi naman mabigo si Alice, at ngayon nga ay isa na siyang ganap na ina.

Credits: Alice Dixson | Instagram

“Sa akin it was never about the way I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy.”

“I’ve tried previously and it didn’t work out. So parang my partner and I decided, ‘okay let’s try surrogacy.”

error: Content is protected !!