Connect with us

Entertainment

Alice Dixson, Hinangaan Dahil Fit at Seksi Parin sa Edad na 51 at Tila Hindi Tumatanda

Marami ang pinabilib ng angking kagandahan at pagiging fit ng aktres na si Alice Dixson kahit na 51 taong gulang na ito. Kapansin-pansin nga na sa kabila ng kanyang edad ay talaga namang nagawa niyang mapanatili ang kanyang youthful glow dahilan para mas lalo siyang hangaan.

Credits: Alice Dixson | Instagram

At sa isang panayam nga kay Alice sa programang Tunay na Buhay, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang sikreto sa likod ng kanyang fit na katawan at batang-batang hitsura. Ayon nga sa aktres, ay mahilig siya sa mga sports na nakakatulong para maging fit ang kanyang katawan.

“I love to swim, I also bicycle around, whenever I can kung malapit lang, I rather bike than take my car. Dati madalas akong nagvo-volleyball, group sports.”

Credits: Alice Dixson | Instagram

Pag-amin naman ni Alice, sa kabila umano ng kanyang edad na 51, ay marami pa rin ang nagsasabi na parang nasa late 30’s o 40’s lamang ang kanyang edad na siyang makikita sa kanyang katawan at hitsura. Hindi naman talaga ito maitatanggi dahil talaga namang biniyayaan ng fit at young looking na katawan at mukha si Alice.

Ayon pa sa aktres, sa tuwing tinitingnan niya ang kanyang mga larawan ay hindi niya makita ang hitsura na nasa 50’s na siya pero ang kanyang edad ay nararamdaman naman niya.

Credits: Alice Dixson | Instagram

Maliban naman sa kanyang magandang genes, ay proud rin si Alice na nagawa niyang mapanatili ang kanyang magandang mukha at fit na katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga supplements na sinabayan rin niya ng pag-eehersisyo.

“Alam mo tinatanong ko din yan sa sarili ko, honestly kasi look at my  pictures and I don’t look fifty, I feel fifty but I don’t look fifty.”

“I think aside from good genes, it’s a product of really through the years parang being very mindful. I’ve been taking supplements since I was 30. I have been very conscious of exercise since I was very young,” pahayag pa ng aktres.

Credits: Alice Dixson | Instagram

Samantala, isang biyaya naman ang dumating sa buhay ni Alice matapos ang mahabang panahong paghihintay. Ito nga ang kanilang miracle baby na kanyang naisakatuparan sa tulong ng surrogacy. Sa ngayon ay masaya niyang inaalagaan ang kanyang miracle baby at inienjoy ang journey ng pagiging isang first time mom.

Credits: Alice Dixson | Instagram

Makikita nga ngayon sa social media ng aktres ang napakacute na larawan ng kanyang baby girl at masayang bonding moments nilang mag-ina. At sa bawat milestone ng kanyang baby, ay talagang nakasubaybay si Alice. Tila nga ang kanyang miracle baby, ang nagsisilbing kaligayahan ng aktres ngayon sa kanyang buhay.

error: Content is protected !!