Connect with us

Entertainment

Alfred Vargas at Napakaganda Nitong Asawa na si Yasmine, Masayang Nagdiwang ng Ika-11 Taong Anibersaryo ng Kanilang Kasal

Sa paglipas ng panahon ay napanatiling matibay at matatag ng mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu Vargas ang kanilang pagsasama. At nito lamang ika-16 ng Agosto nang masayang ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-11th wedding anniversary.

Credits: Alfred Vargas | IG

Hindi maikakaila na ang pamilya Vargas ay kilala na industriya ng showbiz. Bukod kasi sa taglay ng mag-asawang Alfred at Yasmine ang gwapo at magandang mukha, ay may tatlo rin silang anak na talagang maipagmamalaki ang magagandang katangian na namana rin sa kanila. Hindi lamang ito, dahil ang kanilang pamilya ay nagsisilbi ring inspirasyon sa lahat dahil sa masaya at magandang pamilya na meron sila.

Credits: Alfred Vargas | IG

Sa loob ng mahigit isang dekadang pagsasama o katumbas ng 11 na taon, ay pinatunayan nga ng mag-asawang Alfred at Yasmine na ang kanilang pagmamahalan ay tunay at wagas sa kabila ng kanilang sumpaan na magsasama sa hirap at sa ginhawa.

At upang sariwain ang tamis ng kanilang pag-iibigan para sa pagdiriwang ng kanilang ika-11 taong anibersaryo ng kanilang kasal, ay ibinahagi ni Yasmine sa Instagram ang larawan nila ng kanyang asawang si Alfred na kuha pa noong 2010 sa kanilang civil wedding. Nilakipan naman ito ng caption na “11 years” at tinag rin si Alfred sa kanyang post.

Marami naman sa mga netizens ang agad na nagpaabot ng kanilang pagbati para sa espesyal na yugto sa buhay nilang mag-asawa. Agaw-pansin rin sa larawang ibinahagi ni Yasmine sa Instagram, na kahit kuha pa ito noong 2010, ay tila hindi naman nalalayo ang kanilang hitsura sa kasalukuyan na animo’y parehong hindi tumanda.

Credits: Alfred Vargas | IG

Sa loob nga ng 11 taong pagsasama bilang mag-asawa, ay hindi maikakaila na punong-puno ng saya at pagmamahalan ang pamilya nila Alfred at Yasmine. Mas lalo naman itong binigyang ng saya at kulay ng kanilang tatlong anak na sina Alexandra, Alyana at Cristiano.

Credits: Alfred Vargas | IG

Isa naman sa sekreto ng mag-asawa, na dahilan ng kanilang matatag na pagsasama ay ang pagiging kuntento at grateful sa isa’t isa kasama ang kanilang mga anak. Hindi lamang relasyon ng mag-asawa ang kanilang pinangangalagaan kundi pati na rin ang kanilang pamilya. Sa katunayan nga nito, kahit abala si Alfred sa panunungkulan bilang 5th District Representative ng Quezon City, ay naglalaan parin siya ng oras sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga anak.

Credits: Alfred Vargas | IG

Napakapalad rin ni Alfred sa kanyang napakagandang misis na si Yasmine, na walang duda na mahal na mahal siya base na rin sa appreciation post nito para sa kanyang mister sa kanyang social media account. At si Alfred rin naman ay isang uliran at mapagmahal na asawa’t ama sa kanyang mga anak na alam kung paano balansehin ang kanyang mga priorities.

error: Content is protected !!