Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Tinupad ang Pangakong Dadalhin ang Kanyang Pamilya sa Sikat na Resort na The Farm sa San Benito sa Batangas

Gaya nga ng ipinangako ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga na dadalhin niya ang kanyang pamilya sa sikat na resort na The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas, kamakailan lamang nga ay nabigyang katuparan na ito.

Matatandaan na unang bumisita si Alex kasama ang kanyang asawang si Mikee Morada sa The Farm kung saan nga ay nag-enjoy nila ang isa’t isa. At dahil nga, nakita ng aktres kung gaano kaganda ang lugar na kanilang pinuntahan para mag-enjoy at mag-relaks, ay nais rin ni Alex na maranasan at makita ng kanyang mga magulang ang gandang taglay nito.

Kaya naman, sa latest vlog na ibinahagi ni Alex nito lamang ika-18 ng Hulyo na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ay binigyang katuparan ng aktres ang kanyang pangako. Makikita nga sa vlog ang masayang bonding ng kanilang pamilya habang nagbabakasyon sa The Farm.

Kompleto ang pamilya ni Alex para sa kanilang bakasyon kasama ang kanyang mga magulang na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty at kanyang Uncle Jojo.

Kasama rin ang pamilya ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, at asawa nitong si Paul Soriano maging ang kanilang anak na si Seve. At siyempre hindi naman mawawala sa kanilang bakasyon ang asawa ni Alex na si Mikee.

Espesyal naman ang bakasyon ng kanilang buong pamilya dahil wedding anniversary ng mga magulang ni Alex na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty at wedding anniversary rin nina Toni at Paul.

Makikita naman na maliban sa enjoy nilang paliligo sa pool, ay namasyal rin sila sa nasabing wellness resort. Walang pinalampas na pagkakataon ang pamilya ni Alex na puntahan at maenjoy ang spa, at restaurant na may masasarap na putahe.

Bumisita rin ang pamilya ni Alex sa gift shop ng The Farm, para may magsilbi silang souvenir sa kanilang masayang pamamalagi rito.

Nagkaroon din ang kanilang pamilya ng isang masaganang dinner para naman ipagdiwang ang wedding anniversary ng mga magulang ni Alex, at maging ng kanyang kapatid na si Toni at asawa nitong si Paul.

Hindi nga maikakaila na talagang nag-enjoy ang pamilya ni Alex sa kanilang bakasyon. Bago naman matapos ang vlog ni Alex, ay nag-iwan naman siya ng isang mensahe na puno ng inspirasyon.

Ayon nga sa sikat na aktres at vlogger, ay napakasarap sa pakiramdam na makasama ang mga magulang sa isang lugar kung saan talagang mag-eenjoy sila. At dahil nga matatanda na, ay ito na rin ang tamang panahon para mas magkaroon ng quality time kasama sila. Ayon pa kay Alex, mahalaga na kapag kumikita na ang isang anak ay maipasyal rin ang mga magulang para naman masuklian ang hirap at sakripisyo nila noon.

error: Content is protected !!