Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Tinupad ang Kahilingan ng Isang 12-year Old na Batang Estudyante Na Magkaroon ng Sariling Tricycle pang Hanap Buhay

Ang aktres, TV host at sikat na vlogger na si Alex Gonzaga, ay nagbigay ng bagong pag-asa na guminhawa ang buhay ng isang 12 anyos na batang estudyante matapos niyang pagkalooban ng isang bagong tricycle.

Ang ideya para sa kanyang giveaway ay nagsimula sa kanyang vlog noong ika-25 ng Hulyo kung saan ay nakasama niya ang Department of Transporation (DOTr) secretary na si Arthur ‘Art’ Tugade. Sa nasabing vlog ay sinubukang sumakay ng MRT ni Alex. At habang sakay ng MRT, ay naisip ni Alex na mamahagi ng giveaways sa mga netizens na sinang-ayunan naman ng kanyang kasamang government official.

At ang magwawaging netizen ay matatanggap lamang ang premyo kapag nakapagbigay ng magandang kasagutan sa tanong na:

“Anong paborito niyong parte ng projects ng DOTR?”

Inatasan naman ni Alex si DOTr secretary Tugade na ito ang mamili ng mananalo sa makakapagbigay ng pinakamagandang kasagutan. At ang nagwagi nga para makatanggap ng bagong tricycle ay si Vincent Sotalbo, isang 12 anyos na estudyante mula sa Nagcarlan, Laguna na kamakailan lamang ay nagtapos ng grade 6 sa Rizal Standard Academy bilang valedictorian, at isa ring scholar.

Noong nakaraang Hulyo 30, ay isinapubliko ng DOTr secretary sa pamamagitan ng isang Facebook post ang email na kanyang natanggap mula kay Vincent, kung saan nga ay sinabi nito ang kung gaano siya kasaya na makita ang pagbabago sa pampublikong transportasyon na ngayon ay malinis na, kumpara noong dati.

“Sa kanyang email, sinabi ni Vincent na natutuwa sya na mas malinis na ang mga pampublikong sasakyan ngayon kumpara dati. Maganda rin daw na air-conditioned na ang mga ito at nakakapagpatupad ng safety protocols.”

Ayon pa sa DOTr secretary, ay tamang-tama raw na si Vincent ang nakatanggap ng premyo dahil madalas daw masira ang sasakyang ginagamat ng ama nito sa pamamasada kung kaya’t wala na ring magamit para sa kanilang paghahanapbuhay.

“Malungkot ring ibinahagi ni Vincent na laging nasisira ang sasakyang ginagamit pamasada ng kanyang tatay kaya hindi rin nila ito mapakinabangan.”

Dagdag pa nito, ay kapos rin sa pera ang pamilya ni Vincent. Kaya naman, kahit gustuhing mapaayos o bumili ng bago para may magamit sa pamamasada ay hindi nila magawa.

“Gustuhin man daw nilang bumili ng bago ay hindi nila magawa, dahil ang kanilang pera ay nakalaan para sa tuition ng kanyang kuya na papasok na sa kolehiyo.”

Nagpasalamat rin ang DOTr secretary kay Alex sa ginawa nitong pagtulong para mabigyan ng pagkakataon ang nanalong netizen na guminhawa ang buhay sa pamamagitan ng bagong tricycle na gagamitin sa pamamasada.

Inulan naman ng papuri at paghanga mula sa mga netizens sina DOTr secretary Tugade at Alex sa kanilang ginawa. Narito ang kanilang komento:

“From ways of transporation, ngayon ay pangkabuhayan naman ang hatid! The best ka sir Art.”

“With great respect to you sec Art Tugade and ms. Alex Gonzaga for this another job well done!”

“Kahangahanga ka Alex Gonzaga at Sec. Art Tugade. Congrats sayo Vincent! Well deserved.”

error: Content is protected !!