Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Proud at Suportado ang Muling Pagtakbo ng Kanyang Asawang si Mikee Morada Bilang Konsehal ng Lipa City

Nito lamang araw ng Martes, ika-5 ng Oktubre ay pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy ang asawa ng sikat na aktres at vlogger na si Alex Gonzaga na si Mikee Morada.

Credits: Alex Gonzaga | IG

Muling tatakbo si Mikee sa pagkakonsehal sa Lipa City sa probinsiya ng Batangas. At bilang isang butihin at mapagmahal na asawa sa kanyang mister, ay buong pusong ipinakita ni Alex ang kanyang suporta sa pagtakbo ng kanyang asawa.

At kasabay ng pag-file ng candidacy ni Mikee, ay proud na proud namang ibinahagi ni Alex sa Facebook ang mga litrato ng kanyang asawa habang hawak nito ang certificate of candidacy.

Credits: Alex Gonzaga | IG

Sa caption ng kanyang post, ay sinabi ni Alex na alam niyang napakabuti ang intensyon ng pagtakbo ng kanyang asawa kung kaya’t suportado niya ito at talagang proud na proud siya sa kanyang asawa. Humingi naman ng pasensya si Alex, dahil hindi siya nakasama sa kanyang asawa sapagkat nasa trabaho raw siya nang mag-file ito.

“I am 100% proud and with you all the way my husband!!! Alam ko puso mo to serve and be selfless! Pasensya na asa work din ako di kita nasamahan. Love you my konsi Mikee Morada,” saad ni Alex sa caption ng kanyang post.

Credits: Alex Gonzaga | IG

Taong 2019 nang unang mahalal at naluklok sa kanyang pwesto bilang konsehal ng Lipa City si Mikee. At makikita naman sa ilang vlog ni Alex ang bukal sa puso nitong pagserbisyo sa kanyang bayan. Sa katunayan nga nito, ay minsan nang nilibot ng mag-asawa ang bayan ng Lipa matapos nilang mamasada ng tricycle kung saan nga ay makikita ang ganda at kaayusan ng lugar.

Samantala, ilang beses na ring ibinahagi ni Alex sa social media at sa kanyang mga tagahanga na sa gitna ng nararanasang pandemya sa bansa ay patuloy ang pagbibigay serbisyo ni Mikee sa Lipa habang siya naman ay abala sa kanyang trabaho sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at endorsements sa Maynila.

Maliban naman sa maganda at maayos serbisyo ni Mikee bilang konsehal ng Lipa, ay nakilala rin siya ng publiko sa mga vlog ng kanyang misis na si Alex na madalas ngang isama ng aktres sa kanyang mga nakakatuwang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Credits: Alex Gonzaga | IG

Si Mikee ay nagmula sa mayaman at kilalang pamilya ng politiko at negosyante sa Lipa, Batangas. Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng bangko sa kanilang bayan, ang Lipa Bank at may pagmamay-ari ring garment factory.

Matatandaan naman na noong Enero 2021, ay ibinunyag nina Alex at Mikee sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog na sila’y ikinasal na at ganap nang mag-asawa. At napag-alaman na noong Nobyembre 2020 nga naganap ang kanilang pag-iisang dibdib na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

error: Content is protected !!