Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Nag-enjoy Bilang Yaya sa Anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari sa Loob ng Isang Araw

Isa na namang nakakatuwang vlog ang hatid ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga para sa kanyang mga tagahanga na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Sa latest vlog ni Alex, ay tampok ang kanyang pagbisita sa bahay ng aktor at TV host na si Billy Crawford at asawa nitong si Coleen Garcia. Ang napakacute na anak ng mag-asawa na si Baby Amari, ay nagbibigay saya at kulay sa pamilya ng celebrity couple. At sa pagkakataon ngang ito, ay si Alex ang magsisilbing yaya ng kinagigiliwan ng lahat na si Baby Amari sa loob ng isang araw.

Sa unang bahagi ng video ay makikita na sinalubong ni Billy ang pagdating ni Alex sa kanilang tahanan. Saad nga ni Alex, ay nais niyang tulungan ang kanyang kaibigan na alagaan ang anak nito, kaya naman magiging yaya muna siya sa loob ng isang araw. Tila handang-handa na nga si Alex na maging yaya ni Baby Amari dahil nakasuot pa siya ng uniporme.

“Meron ako ngayong naisip dahil alam mo naging kaibigan ko na rin siya (referring to Billy Crawford, her co-host for a noontime show) so gusto ko makatulong sa kanilang mag-asawa so namasukan muna akong yaya for a day.”

“So ngayon nandito ako sa amo ko. Mag-yayaya muna ako sa anak nila dahil alam niyo tagal na akong walang taping at least may extra income.”

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Makikita naman na agad kinarga ni Alex ang napakacute na si Baby Amari habang umiiyak. Tinuruan naman ng mag-asawang Billy at Coleen si Alex ng mga aktibidad na gagawin bilang Yaya ni Baby Amari. At sa bawat ginagawa ni Alex at Baby Amari ay nakaalalay rin sina Billy at Coleen.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Makikita nga na masayang nakipaglaro si Alex kay Baby Amari kung saan ay kanilang ginawa ang mga paboritong laro ni Baby Amari tulad ng pagsakay sa isang laruang kotse sa loob ng bahay. Hiningal naman si Alex sa pag-aalalay kay Baby Amari sa pag-akyat sa hagdan na ayon kay Coleen ay gustong magpasikat ng kanilang anak lalo na kung may audience.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Nagtungo rin sila sa playroom ni Baby Amari at doon naman naglaro paborito niyang laruan at nakipagkulitan si Alex sa anak nina Billy. Ilang saglit lamang, ay kailangang magbanyo ni Baby Amari sa tulong ng tunay nitong yaya, kung saan nga ay kasama rin si Alex para maghugas sa bata.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Matapos naman mapagod sa pakikipaglaro, ay nakatulog naman si Baby Amari. Nang magising ay pinakain naman ito ni Alex, habang nakaalalay naman si Coleen. Makikita naman na talagang nag-enjoy si Alex sa pagiging yaya ni Baby Amari sa loob ng isang araw.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Sa huling bahagi naman ng video, ay sinabi na mag-asawang Billy at Coleen na pasado naman si Alex bilang yaya ni Baby Amari at nagawa naman nito ng maayos ang kanyang trabaho. Ayon pa sa mag-asawa, ay handa na nga sina Alex at asawa nitong si Mikee Morada na magkaroon ng anak na kanilang aalagaan sa kanilang bahay.

“Pasado naman. In fairness ready na kayo. Excited na kami kung ano talaga ang plano ni God para sa inyo. Sana may kalaro na ang batang ito soon.”

error: Content is protected !!