Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Ipinasilip ang Pamamanhikan ng Pamilya ng kanyang Fiancee na si Mikee Morada sa Pamilya Gonzaga

Ang aktres na si Alex Gonzaga ay isa nga sa hinahangaang artista sa showbiz, ngunit higit naman siyang nakilala ng publiko bilang isang mahusay na vlogger na talaga nga namang kasiyahan ang hatid sa mga manonood ng kanyang mga nakakaaliw na videos.




Madalas ngang ibahagi ni Alex sa kanyang vlog ang mga masasaya at mahahalagang kaganapan sa buhay niya. At ngayon nga, ay tatlong taon nang naghahatid ng kaligayahan si Alex sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakaaliw na videos. At sa pagdiriwang ng kanyang 3rd Anniversary bilang isang vlogger sa YouTube, ay mas lalong naging masaya ang kaganapang ito sa buhay niya. Dahil kasabay nito, ay ang pamamanhikan ng pamilya ng kanyang fiancee na si Mikee Morada sa pamilya Gonzaga.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Naging espesyal nga ang vlog na ito ni Alex, dahil isa ito sa pinakamasayang yugto ng buhay niya kung saan ay malapit na siyang maging bahagi ng pamilya Morada.

Sa kanyang 3rd Anniversary celebration vlog, tampok ang pamamanhikan ng pamilya ng kanyang fiancee sa kanilang pamilya na ginanap sa kanilang tahanan sa Taytay. Magmula nga sa pagprepara at pag-aayos ng mga kailangan ay ibinahagi ni Alex na kung saan ay talagang pinaghandaan ang pagdating ng pamilya Morada. Napakaganda nga ng mga disenyo at pagkakaayos ng kanilang hapag-kainan, maging ang mga nakahaing pagkain ay napakasarap rin.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube




Makikita naman na talagang excited si Alex dahil ito ang unang pagkakataon na magkikita at magkakasama ang kanyang pamilya at pamilya ng kanyang fiancee sa kanilang tahanan upang magkaroon ng isang salu-salo.

“Right now kaya ako nag-video dahil first time my family and Mikee’s family will meet together dito sa bahay namin. I am very, very excited. Dadalhin namin kayo sa preparation para sa pagdating ng aming mga kapamilya. Kaya ito na lang naisip ko how to celebrate with you guys [for my YouTube 3rd anniversary],” saad ni Alex sa kanyang vlog.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Mainit nga ang naging pagtanggap ng pamilya ni Alex sa pamilya ni Mikee. At kitang-kita naman na masayang-masaya ang bawat isa habang magkakasalo sa hapag. Hindi naman maikakaila na paaprobado na sa side ng bawat isa ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib at pagiging bahagi ng pamilya ng bawat isa.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Sa huling bahagi naman ng vlog ni Alex ay labis ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong at naghanda para sa pamamanhikan, sa kanyang Ate Toni, Uncle at mga magulang na talagang ipinakita ang pagsuporta sa kanya. At syempre, dahil nga 3rd Anniversary niya sa Youtube, nagpasalamat rin siya sa kanyang mga subscribers na walang sawang sumusuporta sa kanya at nakasama niya sa simula ng kanyang journey as vlogger, sa kanyang love life hanggang siya’y maengaged at ngayon nga ay nalalapit na ring ikasal.

error: Content is protected !!