Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Ipinasilip ang Nakakatuwang Pamamasada ng Tricycle sa Lipa Kasama Ang Kanyang Asawang si Mikee Morada

Isang masayang adventure at nakakatuwang vlog ang hatid ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga kamakailan. Tila naman, nag-eenjoy rin si Alex sa piling ng kanyang asawang si Mikee Morada at muli niya nga itong nakasama sa kanyang latest vlog.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube

Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi bakasyon, kundi isang masayang adventure sa pamamasada ng tricycle ang hatid ng mag-asawang Alex at Mikee sa 11.3 milyong tagasubaybay ni Alex sa kanyang YouTube Channel.

Nito lamang ika-15 ng Agosto nang ibahagi ni Alex sa kanyang Youtube channel ang vlog ng kanilang nakakatuwang pamamasada ng tricycle sa Lipa, Batangas kasama ang kanyang asawa, at konsehal ng Lipa na si Mikee.

At para nga malibot rin ang mahal na bayan ng kanyang asawa, ay nakaisip si Alex na mamasada ng tricycle kung saan si Mikee ang driver at siya naman ang back ride para magsilbing tagaabot ng sukli sa mga pasahero.

“Andito tayo ngayon sa Lipa kung saan ang bayan ng aking pinakamamahal na mister. Binisita ko siya at sinabi kong diyan sa Lipa usong-uso ang motorsiklo at tricycle kaya naisip ko mamamasada kami ng aking mister na gamit ang tricycle,” bungad ni Alex sa kanyang vlog.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube

Tila naman talagang pinaghandaan ni Alex ang pamamasada nila ng kanyang asawa, dahil ayon sa aktres ay nag-obserba na siya sa mga misis na nagba-back ride sa kanilang mga mister na tricycle driver, kung kaya’t nagdala na rin siya ng lampin na pamunas ng pawis, at mga baryang panukli sa mga pasahero.

“Siyempre naka-obserba ako na mga misis na naka-back ride sa kanilang mga mister kaya komplete na ako. May dala na akong lampin, mga panukli.”

Credits: Alex Gonzaga | Youtube

Nagsimula nang libutin nina Mikee at Alex ang bayan ng Lipa para maghanap ng mga isasakay na pasahero. At makikita naman, na agad silang nakakita ng pasahero para ihatid ito sa kanilang destinasyon. Sa bawat pasahero nga na mag-aabot ng bayad, ay siya namang pagbibigay ng sukli ni Alex. Ngunit, sa halip na barya, ay inaabutan niya ito ng perang papel na nagkakahalaga ng P500.

May naging pasahero namang sina Alex at Mikee na mga misyonaryo ng simbahan at nang makarating nga sa kanilang destinasyon, ay ibinigay na lahat ni Alex ang natitirang pera para magsilbing donasyon sa simbahan.

Credits: Alex Gonzaga | Youtube

Samantala, kapansin-pansin naman ang pagiging sweet at maalagang misis ni Alex kay Mikee habang ito’y nagmamaneho ng tricycle kung saan nga ay walang tigil sa pagpunas ng pawis ng kanyang asawa.

Matapos naman ang nakakapagod na byahe sa pamamasada, ay nakaramdam na ng gutom ang mag-asawa. Kaya naman, nagpasya silang kumain ng ipinagmamalaking lomi ng Batangas na talaga namang napakasarap.

Hindi naman nakaligtas sa mga netizens kung gaano kabuting public servant ang konsehal ng Lipa na si Mikee, at bumuhos nga ang paghanga at papuri mula sa mga viewers.

“This vlog also showed what kind of a public servant Mikee is—humble, compassionate, kind. Ahhh this couple, such cuties”.

“Kuya Mikee constantly asking ate Alex, ‘Okay ka lang, bi?’ I find it so sweet.”

error: Content is protected !!