Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Ipinasilip ang Bagong Renovated na Shoe and Closet Room ng Kanyang Kapatid na si Toni Gonzaga

Karamihan sa mga artista at sikat na personalidad ay mayroong mga koleksiyon ng kanilang paboritong mga gamit. Ang ilan sa kanila ay kinahihiligan ang iba’t ibang kagamitan at dekorasyon habang ang iba naman ay mas gustong mangolekta ng mga bags at sapatos.

Sa isang vlog ng kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex, ibinahagi ng host ang kaniyang newly renovated na make-up room kung saan makikita ang kaniyang napakaraming sapatos.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Sa make-up room na ito, makikita ang napakaraming display ng sapatos sa open shelves. Ayon kay Toni, pinili nila ang ganitong disenyo upang maging mas malawak ang espasyo lalo na at may pagkakataong ginagamit din ito ng kaniyang kapatid na si Alex.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Syempre, hindi mawawala ang make-up table kung saan makikita ang mga paboritong pabango ni Toni na mula mismo sa kaniyang sariling brand. Proud na ibinahagi ni Toni na mula ang make-up table sa Taytay.

Talagang pinag-isipan nila nang mabuti kung ano ang mga magiging furnitures dito. Upang masiguro na komportable rin ang mga staff, naglagay sila ng sofa. Kapansin-pansin din ang refrigerator ng aktres na naglalaman ng iba’t ibang wine.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Sa isang banda ng make-up room makikita ang mga designer coats ng host. Ang ilan dito ay regalo ng kaniyang kapatid. Ang ilan din sa mga sapatos sa collection ni Toni ay mula rin kay Alex habang ang iba naman ay mula sa kaniyang malalapit na kaibigan gaya ni Vicki Bello.

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga Official | Youtube

Ibinunyag din ng aktres na ang ilan sa mga sapatos rito ay higit isang dekada na niyang pagmamay-ari. Ayon sa kaniya, ito raw ang mga sapatos na ginagamit niya sa kaniyang mga shows noon. Bukod sa kaniyang wedding shoes, dito rin makikita ang mga sapatos na suot ng aktres sa kaniyang mga pinag-uusapang performances sa mga rally.

Talaga nga namang napakaganda ng disenyo ng silid na ito. Maging ang covers para sa mga open shelves ng sapatos ay napakaganda rin. Ayon nga kay Toni, may ilang pagkakataon kung saan dito rin niya ginaganap ang kaniyang mga online meetings.

 

Humanga rin ang mga netizens sa shoe collection at make-up room na ito. Sa ngayon ay trending na ang YouTube vlog na ito at may 3 million views na rin.

error: Content is protected !!