Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, Ibinahagi ang Takot na Reaksyon ni Mommy Pinty Matapos Sumakay sa Lumang Owner Type Jeep Para sa Joy Ride ng Kanilang Pamilya

Pagdating nga sa pagbibigay saya ay hindi nagpapahuli ang aktres, TV host at isa na ring sikat na vlogger ngayon na si Alex Gonzaga. Sa kanyang mga vlog nga na ibinahagi sa kanyang YouTube Channel, ay talaga namang punong-puno ito ng saya at goodvibes. Sa loob ng apat na taong pagba-vlog ay humakot na si Alex ng 11 million subscribers sa kanyang channel.

Credits: Alex Gonzaga Morada | YT

Nito lamang ika-5 ng Setyembre, ay muli na namang nagbigay saya ang sikat na vlogger sa kanyang mga tagasubaybay matapos ibahagi ang isang vlog na tampok ang masayang joy ride ng kanilang pamilya at reaksyon ni Mommy Pinty matapos sumakay sa kanilang lumang owner type jeep.

Sa unang bahagi ng vlog ay makikitang naglilinis ng kanilang owner ang mag-amang Alex at Daddy Bonoy. Sa halip nga na ang magarbo nilang sasakyan ang linisin para gamitin sa pagsundo kay Mommy Pinty, ay naisip ni Daddy Bonoy na ang owner na lang ang gamitin.

Matapos malinis ang kanilang owner ay gumayak na ang mag-ama para sunduin si Mommy Pinty. Kapansin-pansin na habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isip ni Alex, ang mga hindi magandang mangyayari dahil nga sa bukod sa mabagal ang takbo ng owner, ay maaari rin daw siyang mahablutan ng cellphone dito. Maririnig rin ang reklamo ni Alex sa init habang sakay ng minamanehong owner ni Daddy Bonoy.

Credits: Alex Gonzaga Morada | YT

Samantala, nang makita ni Mommy Pinty ang dalang sasakyan ni Daddy Bonoy na isang owner, ay ganun na lamang nga ang pagkadismaya nito. Agad ngang sambit ni Mommy, ay kailangan niya ng aircon dahil sa mainit na panahon, ngunit sa dalang sasakyan ay mas lalo siyang maiinitan.

Kahit nadismaya ay napilitan paring sumakay si Mommy Pinty sa owner kasama ang kapatid nito. Sa harapan ng sasakyan umupo si Mommy Pinty katabi si Daddy Bonoy. Habang nasa biyahe ay hindi parin nakampante si Mommy Pinty, kung saan nga ay takot na takot kahit na naka-seatbelt na ito. Patuloy rin ang sermon ni Mommy Pinty kina Alex at Daddy Bonoy dahil sa dinalang sasakyan para sunduin siya.

“Road test lang ba ‘to? Ito pa pinangsusundo niyo sa akin.”

Credits: Alex Gonzaga Morada | YT

Naghatid naman ng katatawanan sa mga netizens ang reaksyon ni Mommy Pinty na talagang natakot at nais nang bumaba sa owner at lumipat na sa maayos nilang sasakyan.

“Uy nakakatakot. Tumigil na tayo at ilipat niyo na ako. Nasaan na yung sasakyan?”

Bagama’t takot na takot si Mommy Pinty ay nagpatuloy parin siya sa pagsakay sa owner. Ilang ulit ring nakipagpalitan ng upuan kay Alex si Mommy Pinty para matiyak na ligtas ang kanyang kinauupuan. May pagkakataon ring napalo ni Mommy Pinty si Daddy Bonoy dahil sa takot matapos mapadaan sa isang bakong bahagi ng kalsada.

Sa huli, bagama’t hindi maipinta ang mukha ni Mommy Pinty dahil sa kanilang joy ride gamit ang owner jeep, ay nakahinga naman siya ng maluwag nang ligtas na marating ang kanilang destinasyon.

Nagbigay naman ng kani-kanilang reaksyon ang mga netizens sa masayang joy ride ng pamilya ni Alex.

Credits: Alex Gonzaga Morada | YT

“Joyride with family is the best.”

“Iba parin ang ganda ng Jeep dahil puno ito ng memories.”

“I truly can not express enough, how happy Ate Alex’s vlogs make my family and I feel.”

“The fact that Ate Alex’s together with Daddy Bonoy and Mommy Pinty’s vlogs already became my comfort and happy pill. I love the vibe this family has been giving.”

error: Content is protected !!