Connect with us

Entertainment

Alessandra de Rossi, Inamin na Minsan na Niyang Inalok ang Kapatid na si Assunta de Rossi Na Dalhin sa Kanyang Sinapupunan ang Magiging Anak nito

Hindi lamang nga ang aktres na si Assunta de Rossi at asawa nitong si Jules Ledesma, ang nakaramdam ng labis na kaligayan sa pagsilang ni Assunta ng kanyang malusog na miracle baby. Dahil maging ang kapatid ni Assunta na si Alessandra de Rossi, ay walang katumbas na saya rin ang naramdaman nang masilayan ang napakacute na baby girl ng kanyang Ate.




Ngunit, bago pa man nila masilayan ang napakacute na si Baby Julia, na isinilang ni Assunta noong Oktubre 2020, ay hindi naging madali ang pinagdaanan ng aktres para lamang mabuntis at makapagsilang ng isang malusog na sanggol.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Hindi naman maitatanggi na ang pagmamahal ni Alessandra kay Assunta bilang kapatid ay hindi matutumbasan ng anumang bagay.

At nito lamang Linggo, sa programang I Feel U, ay inamin ni Alessandra na inalok niya ang kanyang Ate Assunta na siya ang magdadala ng anak nito sa kanyang sinapupunan dahil nga hirap itong magbuntis. Ito nga ay matapos sumailalim si Assunta sa in vitro fertilization, ngunit hindi ito nagtagumpay.

“Nung nagpa-IVF siya tapos hindi nag-work, may dalawa pa siyang eggs na natitira. Tapos sabi niya, ‘Ayaw ko na siya pagdaanan. Ayaw ko na pagdaanan y’ung feeling.’ Sabi ko, ‘Gusto mo ba ako ang magdala? Wala din naman akong direksyon sa buhay,”pahayag ni Alessandra.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Nang tanungin naman ang “Kita Kita” star, kung ano ang naging reaksyon ni Assunta, sinabi ng aktres na handa siyang gawin ang lahat para rito ng walang bayad, ngunit tinawanan lang umano siya nito.

“Willing na akong gawin ‘yun para sa kanya ng walang bayad. Willing ako pero tinawanan lang niya ako. So hindi ko alam kung kinonsider ba niya in her head.”

Pagbabahagi naman ni Alessandra, ay isa siya sa mga unang nakaalam na buntis ang kanyang Ate, ngunit sinekreto na muna nila ito. Bagamat hindi naman raw naiyak, ay labis na kaligayahan ang nadama ni Alex para sa kanyang Ate Assunta.

Photo credits: google.com

At ang unang beses nga na nagpaiyak sa kanya sa labis na kaligayahan, ay nang masilayan ang larawan kung saan makikita na karga ng kanyang Ate Assunta ang bagong silang nitong sanggol. At halos hindi nga makapaniwala ang aktres, na ngayon nga ay isa nang ganap na ina ang kanyang Ate.




“Hindi ako umiyak. Hindi ko alam anong naramdaman ko, hindi ko siya ma-explain. Pero tuwang tuwa ako siyempre. Tapos sabi niya secret daw muna, don’t tell anyone. Gusto ko na i-send sa group na ‘Buntis na po.’ Pero hindi pwedeng sabihin muna kasi I cannot trust her body din eh dahil ‘yun nga, hirap siya so ang hirap magsalita. Pero ‘yung tuwa talaga [ibang klase].”

Photo credits: google.com

Samantala, ngayon na isa nang ina ang kanyang Ate Assunta, ay nakita ni Alex ang malaking pagbabago sa buhay nito. At masayang-masaya ang aktres na makitang masaya rin ang kanyang Ate, na ang matagal nitong pinakahihintay na magkaroon ng sariling anak ay natupad na. Ngayon nga, ay isa nang full time mom si Assunta sa kanyang napakacute na baby girl na si Fiore na talagang mahal na mahal ng kanilang pamilya.

“Grabe ‘yung turnaround kasi siya ‘yung tipo ng tao na – prinsesa kasi iyan. Lumaki siya na ‘yung mga bagay ginagawa lahat para sa kanya. Wala siya masyadong gagawin. Nung naging mommy na, ang hands-on na. Biglang naging mommy talaga siya. Ito ‘yung Assunta na papalakpakan natin siya.”

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Sa huli ay nagpaabot naman ng mensahe si Alex para sa kanyang Ate Assunta.

Aniya, “Masaya ako na ‘yung years na na-form ako, ang kasama ko ay siya. Balanse ‘yung pagkasiraulo niya and pagkamabait niya. She’s my partner in crime. Kapag nauna si Ate, next ka na. Pero kapag hindi ginawa ni Assunta, wala akong gagawin na ganun.”

error: Content is protected !!