Connect with us

Entertainment

Albie Casiňos sa ‘Toni Talks’ Ibinahagi Kung Ano ang Pinaka Biggest Regrets Niya sa Kanyang Buhay

Masayang sinalubong ng host-actress na si Toni Gonzaga sa kanyang online show na ‘Toni Talks’ ang aktor at former Pinoy Big Brother housemates na si Albie Casiňos. At siyempre tulad ng inaasaha na ng lahat na madalas nga mangyari sa programa na ito ni Toni, ay pinag-usapan ang dalawa ang buhay ni Albie na kapupulutan ng inspirasyon ng maraming mga manonood at tagasubaybay ng nasabing programa.

Photo credits : Albie Casiňos |IG

Sa pagchichikahan nga nina Toni at Albie ay napansin ng host-actress na ngayon ay mas may confidence na sa kanyang sarili ang aktor, at masaya naman na inihayag ni Albie na dahil nga ito sa sobra-sobrang pagmamahal na kanyang natatanggap ngayon mula sa mga tao hindi lang sa nakapaligid sa kanya kundi maging sa mga humahanga sa kanya.

Photo credits: Toni Talks | FB 

Napag-usapan din ng dalawa ang kontrobesyal na pinagdaanan noon ni Albie noong siya ay 18-taong gulang pa lamang, kung saan ayon nga kay Albie, noong mga panahon na ‘yon kahit apektado siya ay talagang ipinapakita niya sa tao na hindi siya isang ‘quitter’. Kuwento pa ni Albie, kung labis siyang naapektuhan noon ay mas doble nga ito sa kanyang ina.

Photo credits: Toni Talks | FB 

Paglalahad pa ng aktor, ang katapangan niya na harapin ang pagsubok na kinaharap niya sa kanyang karera ay nakuha niya sa kanyang ina.Nang tanungin naman si Albie kung ano ang ‘biggest regret’ niya sa kanyang buhay, ay aminado nga ang aktor na isa ito sa mga talagang mahirap na katanungan para sa kanya.

Photo credits: Toni Talks | FB 

Ayon kay Albie hindi naman maiwasan na buhay ng tao ay talagang may mga regrets tayong nagagawa, pero para sa kanya tila naging regret niya ang naging maaga niyang paglabas sa PBB house, lalo na’t ngayon ay nakikita niya kung gaano siya sinusuportahan at minamahal ng maraming mga netizens. Kasi tila nga nabigo niya ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanya ng lumabas siya sa naturang reality tv show.

Photo credits : Albie Casiňos |IG

Hindi rin nakaligtaan ni Albie na ihingi ng pasensya ang kanyang naging komento noon sa dati niyang nobya kung saan ay sinabi nga niya na masaya siya na ito ay mataba na.

Pag-amin ng aktor mali iyon, kaya naman humingi siya ng paumanhin at sinabi nga na tao lang din siya at may mga nagagawa rin ngang pagkakamali, ngunit ito nga ay unti-unti na niyang binabago ngayon.

Photo credits : Albie Casiňos |IG

Naitanong naman ni Toni kay Albie kung ano ba ang natutunan ng aktor sa buhay ng pumasok ito bilang housemate’s ng Big Brother house, at ayon kay Albie ay ang mga bagay na kailangan niyang i-work out sa kanyang pagkatao ang natutunan niya sa pananatili niya sa Bahay ni Kuya.

Sa huli ay ibinahagi naman ni Albie na mahalaga talaga sa buhay ng isang tao, lalo na ng kabataan ang makinig sa magulang sa kabila ng kahit na ano pa man na tagumpay ang kanila ng tinatamasa sa buhay.

Photo credits : Albie Casiňos |IG

Dahil sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay, lalo na noong siya ay 18-taong gulang pa lamang ay ang kanya ngang ina ang talagang nasa tabi niya at nakaalalay sa kanya at ito rin ang naging katuwang niya upang makabangon muli sa lahat ng kanyang pinagdaanan.
Ngayon ay grateful si Albie sa lahat ng pagmamahal at suporta na natatanggap niya.

error: Content is protected !!