Connect with us

Entertainment

Alamin kung Gaano nga ba Kayaman ang Aktres na si Maine Mendoza o Mas Kilala bilang si ‘Yaya Dub’

Hindi maikakaila na marami ang humahanga at nakakakilala sa tinaguriang “Dubsmash Queen” na nakilala rin ng publiko bilang si Yaya Dub sa segment ng noontime show na Eat Bulaga. Siya lang naman ang sikat na aktres at TV host na si Maine Mendoza. Marami ang naaaliw at napapasaya ni Maine, sa kanyang masayahin at palabirong personalidad.

Photo credits: google.com

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami sa likod ng pagiging simple ni Maine, ay ang taglay niyang kayamanan. Bago pa man makilala at sumikat si Maine sa showbiz ay sadyang napakayaman na niya.

Nagmula si Maine sa isang mayamang pamilya. Sa katunayan nga nito, ay sa De La Salle College of St. Benilde nakapagtapos ng pag-aaral si Maine, isang paaralang may pinakamahal na tuition fee sa Pilipinas. Tanging mayayaman lamang ang may kakayahang ipasok ang kanilang mga anak sa kilalang paaralan na ito, at isa nga si Maine sa mapalad na mag-aaral.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng maraming negosyo. Isa na nga rito ang gasoline station at kapag usapang petroleum business nga, ay hindi biro ang kita rito. Ibig sabihin lamang nga nito ay malaking pera ang napupunta sa kanilang pamilya dahilan nga upang magkaroon sila ng marangyang pamumuhay.

Photo credits: google.com

At nang makilala na sa showbiz, ay inulan naman si Maine ng napakaraming endorsement kung saan ayon sa ulat ng KAMI ay kumikita siya ng P87,985,540 sa kanyang mga product endorsements.

Photo credits: google.com

Bukod rito, ay nagmamay-ari rin si Maine ng franchise ng McDonald branch, hindi lamang isa kundi apat na branches. Isa sa mga branch ay matatagpuan sa Sta. Clara Bulacan. Hindi naman biro ang halaga ng franchise ng bawat branch dahil ang isang franchise ay nagkakahalaga ng P30 million hanggang P50 million.

Photo credits: google.com

Ayon naman sa YouTube Channel ng Star News, magmula noong September 2017, ay may net worth na $12 million o nagkakahalaga ng P606,980,273.14 kada taon. At dahil sa napakalaking perang kinikita ni Maine ay nabigyan siya ng award na Top Regional Indivudual Taxpayer ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Patunay lamang na nito na nagbabayad ng tamang buwis si Maine base sa perang kanyang kinikita.

Photo credits: google.com

Walang duda ang angking kayamanan ni Maine dahilan upang mapabilang siya sa listahan ng mga pinakamayamang celebrities sa showbiz.

error: Content is protected !!