Connect with us

Entertainment

Alamin Kung Gaano Kayaman Ang Isang Shaina Magdayao

Si Shaina Garcia Magdayao ay kilala bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Siya ay nagsimula sa kanyang karera bilang isang childstar at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy paring namamayagpag ang kanyang karera bilang isa sa pinakasikat na artista sa industriya.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Sa loob ng 25 taong pagiging isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz ay ilang ulit na naparangalan si Shaina dahil sa kanyang angking talento sa pag-arte. Ilan lamang sa mga ito ay FAMAS Award, MMFF Award for Best Supporting Actress at Gawad PASADO Award for Best Supporting Actres.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Samantala, hindi naman maikakaila na isa si Shaina sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung marami ring lalaki ang nabighani sa kanyang taglay na ganda at kanyang napaibig. Nagkaroon nga ng makulay na buhay pag-ibig si Shaina sa kanyang mga nakarelasyon at ang ilan naman ay nalink sa kwarta.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Unang nakarelasyon ni Shaina ang aktor na si John Prats, kung saan ang kanilang relasyon ay tumagal ng dalawang taon. Nakarelasyon rin ni Shaina ang aktor na si John Lloyd noong 2010 at naging matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga kontrobersya na ibinabato sa kanila. Ngunit, tila nga hindi sila ang itinadhana para sa isa’t isa dahil sa huli ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Nalink rin si Shaina sa ilan pang aktor tulad na naman ni Diether Ocampo, at Sam Milby ngunit mariin itong itinanggi ng aktres. Napabalita rin kamakailan lamang na may relasyon umano si Shaina sa aktor na si Piolo Pascual, matapos maispatang sweet na sweet ang dalawa sa isang bakasyon. Pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Sa tagumpay na tinatamasa ni Shaina sa kanyang karera, ay inaasahan na ng marami ang taglay niyang kayamanan. Gaano nga ba kayaman ang isang Shaina Magdayao?

Si Shaina ay magtatatlong dekada nang pinapatunayan ang kanyang husay sa pag-arte kung saan ay napakarami na niyang proyektong nagawa. At sa kaliwa’t kanang proyekto at endoresement ay marami nang naipundar na ariarian at negosyo si Shaina. Ayon nga sa isang website, ang networth ni Shaina ay umaabot ng 2 million dollars o katumbas ng halagang P100 million.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Shaina ay kapatid ng aktres na si Vina Morales at sila ay may negosyong beauty salon na tinawag na Ystilo salon. Ang perang kinita ni Shaina sa kanyang pag-aartista ay napunta sa kanyang bahay, sasakyan at isa pa niyang negosyo. Ito nga ang The Organized Chicas kung saan ay nagbebenta siya ng mga bag.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Kahanga-hanga naman na ang isang napakayaman na tulad ni Shaina ay bukas palad rin sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa katunayan nga nito, ay tumutulong si Shaina sa ilang NGO at orphanage katulad na lamang ng Hospicio De San Jose na ang layunin ay tulungan at bigyan ng kanlungan ang mga batang iniwan ng kanilang pamilya.

Photo Credits: Shaina Magdayao Instagram

Napakabuti naman talaga ng puso ni Shaina na ang hangad ay ang makatulong sa kapwa. Kaya bumuo rin siya ng kanyang sariling foundation na tinawag na Smile Cares Foundation.

Sa kanyang taglay na kagandahan, kayamanan, at kabutihang loob ay talaga namang hindi na nakapagtataka kung madami ang humahanga sa kanya.

error: Content is protected !!