Connect with us

Entertainment

Alamin ang mga Dating Propesyon ng mga Bigating Celebrities na ito Bago Pumasok sa Pag-aartista

Alam ng karamihan na ang ilang artista ngayon ay katulad din ng mga ordinaryong tao na naranasan ang hirap ng buhay. Ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng ordinaryo at regular na trabaho bago palaring makilala at magtagumpay.

Isa si Coco Martin sa mga pinakasikat at pinakamahusay na artista ngayon. Nagmamay-ari na rin siya ng napakagandang mansyon ngunit bago pa man naging sikat at mayaman ang aktor ay nagkaroon din ito ng napakaraming regular na trabaho.

Photo credits: google.com

Ilan na nga rito ay ang pagiging isang flyer distributor, waiter, at barista. Naging isa rin siyang OFW sa Canada kung saan nagtrabaho siya bilang isang janitor at housekeeper.

Photo credits: google.com

Gaya ni Coco, naging isang OFW rin sa Amerika ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

Photo credits: google.com

Dito, nagtrabaho siya bilang isang emergency room representative. Hindi rin maiisip ng mga tao na naging isang security guard at salesman sa Beverly Hills si Piolo.

Photo credits: google.com

Bukod sa mga artistang ito, alam din ng karamihan na bago pa man sumikat ang Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach, naging isang child star at model siya.

Photo credits: google.com

Alam din ng karamihan na siya ang naging breadwinner ng kaniyang pamilya dahil sa kaniyang pag-arte.

Photo credits: google.com

Matapos nito ay nangibang bansa din si Pia kung saan nagtrabaho siya bilang waitress at factory worker.

Bago rin sumikat ang magaling na aktor na si Jericho Rosales, naranasan din niya ang pagiging tindero ng isda, barker, driver, at waiter sa isang restaurant.

Photo credits: google.com

Gaya din ni Jericho na unang nakilala sa reality search, isang host at komedyante na rin ngayon ang big winner ng reality show na Pinoy Big Brother na si Melai Cantiveros ngunit nagulat din ang marami nang malaman na isang guro si Melai bago pa man siya pumasok at manalo sa PBB.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Isa rin sa mga sikat na artista ngayon mula sa PBB ay ang teen star na si Kaori Oinuma. Ayon sa kaniya, naranasan niya ang maging isang caregiver sa Japan sa murang edad na 16 anyos.

Photo credits: google.com

Ilan din sa mga artista na kilalang napakamasigasig sa pagtatrabaho ay si Hashtag Nikko Natividad. Bago pa man ang kaniyang pagsali sa grupong Hashtags ng It’s Showtime, nagtatrabaho na bilang waiter si Nikko. Gaya rin ng nabanggit na mga personalidad, sumubok rin siya na maging OFW sa UAE.

Photo credits: google.com

Maging ang mga batikang aktor na sina Marvin Agustin at Diether Ocampo ay naranasan na ring maging isang waiter at bartender sa iba’t ibang restaurants.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Sa kanilang sariling restaurant naman sa Hawaii naging isang staff ang kilalang singer na si Martin Nievera habang dati namang salesman ng encyclopedia at fire extinguishers ang ngayo’y kinikilala na King of Talk na si Boy Abunda.

Patunay ang kwento ng mga bigating personalidad na ito na bagamat hindi madali ang pagkamit ng tagumpay, kalaunan ay masusuklian naman ng saya at kaginhawaan ang pagsisikap.

error: Content is protected !!