Connect with us

Entertainment

Alamin ang Kwento ng Pag-iibigan ng Celebrity Couple na sina Rodjun Cruz, at Dianne Medina na Nagpatatag sa Kanilang Relasyon

Sa loob ng 12 na taong relasyon bilang magkasintahan bago ikasal noong Disyembre 21, 2019 ay nanatiling matatag ang relasyon ng celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Ang kanilang relasyon nga, ay pinagbuklod ng labis na pagmamahal sa isa’t isa at pananampalataya sa Diyos.

Sa panayam ng Pep kamakailan, ay nagbalik tanaw si Dianne sa hindi makakalimutang lungkot at saya na pinagdaanan nila ni Rodjun. Sa parehong edad na 19, nang una silang magkakilala ni Rodjun kung saan ay pareho silang nagtatrabaho sa ABS-CBN noong 2006. Pareho rin sila ng handler ng Star Magic.

Ayon kay Dianne, ay nagsimula raw ang kanilang pagkakaibigan nang maging contestant sa ABS-CBN show na U Can Dance Version 2 noong 2007. Dito na nga nagsimulang maging malapit sila sa isa’t isa. Kwento pa ng aktres, ay madalas siyang tuksuhin ni Rodjun sa kanyang ina na aalagaan umano siya nito. At ito nga ay talagang tinotoo ng aktor dahil may pagtingin na pala ito sa kanya.

Pagdating naman sa panliligaw ay madalas raw silang kumain sa labas. Ngunit, may isang bagay na kinaayawan umano si Dianne sa aktor. Ito nga ay dahil kapag magkasama sila ay napaka-sweet umano nito pero pag nakauwi na ay hindi naman raw ito nagtetext.

Sa kabila naman nito, ay talagang seryoso ang panliligaw ni Rodjun kay Dianne dahil talagang pumupunta pa sa ito bahay nila upang pormal ring ligawan ang kanyang pamilya. At matapos lamang nga ang dalawang buwang panliligaw ay sinagot na ito ng aktres at naging opisyal ang kanilang relasyon noong July 2007.

Isa naman sa talagang nagustuhan ni Dianne kay Rodjun ay pagigig maka-Diyos at mapagmahal sa pamilya. At ang talagang nagpatibay sa kanilang relasyon maliban sa pagmamahal nila sa isa’t isa, ay ang pagmamahal rin nila sa pamilya ng bawat isa.

“What I like about Rodjun, very Christ-centered and family-oriented. Mahirap din makahanap ng katulad mo na parang same religion, same tradition na ginagawa niyo, na magkasundong-magkasundo kayo sa lahat ng bagay.”

Ayon pa nga sa aktres, ay mahalaga na may respeto at pagmamahal sa kani-kanilang pamilya. Dahil ang unang daan patungo sa isang masayang pagsasama ay mahalin at pakisamahan ng taong mahal mo ang iyong mga mahal sa buhay.

“So for instance, kay Rodjun, naka-instill na sa akin yun ever since na kung sino mahal niya, pakikisamahan mo, at mamahalin mo din. You would really exert extra effort to get close to them, kasi yun ang mahalaga sa kanya. Mahal mo yung tao na yun, e.”

error: Content is protected !!