Connect with us

Entertainment

Alamin Ang Dahilan Kung Bakit Iniwan Ni Bojo Molina Ang Showbiz

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Bojo Molina? Isa siya sa mga hinangaan at kinagiliwan natin ng taong 1990 hanggang 2000 sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: Google Image




Naging bahagi siya ng youth-oriented show na Gimik kung saan nakasama niya sina Judy Ann Santos, Rico Yan, G Tionge, Mylene Dizon,at Diether Ocampo . Naging katambalan rin siya ni Mylene Dizon ng maikling panahon. Naging third party rin siya ng loveteam na Jolina at Marvin. Marami ang humanga sa palabas na ito at naging inspirasyon sa mga kabataan noon.

Photo Credit: Google Image

Ang karera ni Ubaldo Molina Punonbayan, Jr o mas kilalang Bojo ay naging masaya at matagumpay at kanyang naranasan ang kasikatan. Marami siyang ginawang proyekto at pelikulang noong 1990 hanggang taong 2000. Sa kasagsagan ng kanyang karera ay kanyang nakatagpo ang ex-girlfriend na si Rica Peralejo.

Photo Credit: Google Image

Naging matagumpay man ang kinalabasan ng kanyang karera sa pag-aartista, mas pinili parin ng dating aktor na mamuhay ng tahimik sa labas ng mundo ng showbiz. Matapos iwan ang showbiz, natagpuan naman niya ang kanyang pag-ibig kay Johansen Kwe. Nagmigrate sila sa ibang bansa at masayang namuhay kasama ang kanyang pamilya.




Ayon kay Bojo, ang naging dahilan raw kung bakit niya iniwan ang showbiz ay ang kanyang asawa. Ayaw niya umanong maging magulo ang buhay nito ng dahil sa showbiz. At mas gusto daw nilang mapanatili ang pagkakaroon ng tahimik at pribadong buhay.

Photo Credit: Google Image

Sa ngayon nga ay masaya silang namumuhay ngayon sa Guam kasama ang kanyang buong pamilya. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak. Bagamat wala na si Bojo sa mundo ng showbiz, nananatili paring nakapublic ang kanyang facebook account para sa kanyang mga tagahangang patuloy na sumusubaybay sa kanyang buhay. Siya ay nagtratrabaho ngayon sa Red Dragon Production sa ilalim ng Sorensen Media Group.

Photo Credit: Google Image




Masaya na ang dating aktor sa buhay na pinili niya kasama ang kanyang pamilya. Isa na siyang ulirang ama na nagtratrabaho upang ibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang kasikatang kanyang tinamo noon ay mananatiling ala-ala lamang, ngunit higit niyang nakita ang kaligayahan sa kanyang pamilya at masaya siyang namumuhay ng tamihik kasama ang mga ito.

error: Content is protected !!