Connect with us

Entertainment

Alamin ang Buong Pangalan ng mga Super Cute at Adorable Celebrity Babies na Ito

Napakahalaga ng pangalan sa buhay ng isang tao, dahil ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan na dadalhin ng bawat isa habang buhay. Ang pangalan nga na bigay ng ating mga magulang sa atin, ay talagang kanilang pinag-isipang mabuti. Ang ilan nga ay may mga natatangi pang kahulugan. At pagdating nga sa pangalan, ay talagang pinapaganda at nag-iisip ng kakaibang pangalan.

Katulad na lamang nga ng mga celebrity babies, na pagandahan ng mga pangalan kung saan ay may kakaibang mga kahulugan. May ilan naman na simple lamang, ngunit ang ilan naman ay talagang pinag-isipang mabuti.




Alamin ang mga buong pangalan ng mga sikat na celebrity babies na ito, na kung saan ay ibinigay ng kanilang mga magulang sa kanila.

Scarlet Snow Belo

Ang anak ng celebrity doctor na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay may isang napakaganda at kakaibang pangalan na Scarlet Snow Belo. Bagay na bagay nga ang pangalan na ito kay Scarlet, na talaga namang katulad ng isang Snow ay napakaputi ng kanyang balat. Napakaamo rin ng mukha ni Scarlet at hindi nakasawang pagmasdan.

Baltie Semblat

Napakaganda rin ng pangalang ibinigay ng mag-asawang Isabel Daza at Adrein Semblat sa kabilang baby boy. Ito nga ay Balthazar Gabriel Semblat, na kung saan ay may palayaw namang Baltie.

Seve Soriano

Pinag-isipan ring mabuti ang pangalang ibinigay ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kanilang panganay na anak na si Seve. Ang buong pangalan nga ni Seve ay Severiano Elliott Gonzaga Soriano.

Baby River

Ang napakacute na si Baby River naman na anak ng aktor na si JC Santos sa kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera, ay may buong pangalan naman na River Altheia Santos.

Baby Millie

Camilla Marguerite Panlilio naman ang napiling pangalan ng mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio sa kanilang napakacute na baby girl. Mas kilala naman sa tawag na Millie ang kanilang anak.




Baby Fiore

Ang miracle baby naman ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma, ay talagang pinag-isipan at pinaghandaang mabuti dahil sa kakaiba nitong pangalan. At isang napakagandang pangalan na Giulia Fiorentina Alessandra Ledesma.

Baby Koa

Kamakailan lamang ng isilang ng aktres na si Andi Eigenmann ang pangalawang anak nila ng kanyang soon to be husband na si Philmar Alipayo. At para sa baby boy nilang anak, ay Koa ang kanilang ipinangalan, ang kaniland island boy.

Baby Night

Kakaiba rin ang ibinigay na pangalan ni Ryza Cenon sa anak nila ng kanyang partner na si Miguel Cruz. Ito nga ay pinangalanan nilang Night.

Baby Thylane

Ang anak naman ni Nico Bolzico at Solenn Heusaff ay pinangalanan nilang Thlane Katana.




Baby Dahlia

Si Baby Dahlia naman ni Anne Curtis at Erwan Heusaff ay may buong pangalan na Dahlia Amilie.

 

 

error: Content is protected !!