Connect with us

Entertainment

Alamin ang Angking Kayamanan ni Andi Eigenmann Dahilan Kung Bakit Hindi Na Siya Bumalik Sa Industriya ng Showbiz

Ang 31 taong gulang na dating aktres na si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala ng lahat bilang si Andi Eigenmann ay anak ng yumaong aktor na si Mark Gil at Jaclyn Jose. Si Andi ay nagmula sa pamilya ng mga artista, maliban sa kanyang mga magulang na artista ay may mga kapatid sa ama rin siyang pawang mga mahuhusay na artista tulad nina Lucero, Gabby Eigenmann, at Max Eigenmann.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Bago pumasok sa showbiz, ay nakapagtapos muna ng pag-aaral si Andi sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Fasion Design and Merchandising sa De La Salle College of Saint Benilde.

Samantala, una namang ipinamalas ni Andi ang kanyang talento sa pag-arte nang mapabilang sa soap opera na ‘Princesa ng Banyera’ ng ABS-CBN noong taong 2007. Naging bahagi rin siya ng reality talent show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Ngunit, hindi man pinalad na magwagi at agad na natanggal sa kompetisyon ay ito naman ang naging daan ni Andi upang tuluyang maabot ang pangarap na maging isang mahusay na artista sa showbiz.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Magmula nga noon, ay tila pumanig na ang tadhana sa umaarangkadang karera ni Andi kung saan nga ay bumuhos ang napakaraming proyekto sa kanyang karera.

Ilan nga sa mga ito ay naging top rating kung saan nga ay siya ang gumanap na bida, na talagang tinangkilik ng publiko at halos napanood sa 18 TV shows tulad na lamang ng Agua Bendita, Kahit Puso’y Masugatan, Galema: Anak ni Zuma, at Maalaala Mo Kaya.

At sa dami nga nito, ay hindi na nakapagtataka kung malaki ang kinikita ni Andi. Ang mga sikat na artista na kagaya ni Andi ay kumikita ng 5 digits sa bawat taping. Maliban naman sa mga teleserye, ay ipinamalas rin ni Andi ang kanyang talento sa pag-arte sa mga pelikula na naging box office hit pa tulad na lamang ng A Secret Affair, Camp Sawi, at Shake Rattle and Roll 12.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Lingid naman sa kaalaman ng marami, ay mas malaki ang kita ng mga artista sa shooting ng pelikula kumpara sa taping ng mga teleserye, lalo na nga kung maging box office hit pa ang pelikula. Kung kaya’t hindi rin biro ang perang naipon ni Andi mula sa kanyang pag-aartista.

Maliban naman sa pagiging mahusay na artista, ay kilala rin si Andi bilang endorser ng mga kilalang produkto. At hindi naman na ito nakapagtataka dahil taglay rin ni Andi ang magandang mukha. Sa pag-eendorso naman ng produkto ng mga malalaking kompanya, ay milyon-milyon ang bayad sa tulad ni Andi na celebrity endorser. Minsan na ring naging cover ng sikat na magazine si Andi.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Sa pinagsama-samang kita ni Andi mula sa pag-aartista at mga product endorsements ay hindi maikakaila na malaki na ang kanyang naipon at nakapagpundar na rin siya ng properties tulad ng kanyang sasakyan na Nissan Terra.

Nakapagpatayo na rin siya ng bahay sa Siargao na nagsisilbi nilang dream house ng kanyang partner na si Philmar Alipayo para sa kanilang lumalaking pamilya. Maliban rito, ay may ipinapagawa ring bahay paupahan si Andi na magsisilbi naman niyang business.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Sa taglay niyang kayamanan, ay masasabi na malayo na ang narating niya sa buhay na bunga ng kanyang sipag at tiyaga. Kaya naman, sa pag-iwan niya sa larangan ng pag-arte ay hindi nakitaan ng anumang pagsisisi ang dating aktres. At kahit nga, hindi na siya bumalik sa pag-aartista ay kayang-kaya niyang mabuhay kasama ang kanyang pamilya dahil na rin sa kanyang ipon at mga naipundar.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Sa ngayon, ay masayang naninirahan si Andi sa isla ng Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar, at mga anak nila na sina Lilo at Koa. Kasama rin nila ang anak ni Andi na si Ellie na anak nito sa dating karelasyon na si Jake Ejercito. Hindi naman maikakaila na masayang-masaya at kontento na ngayon si Andi sa kanilang simpleng pamumuhay sa isla.

error: Content is protected !!