Connect with us

Entertainment

Alahas ni Heart Evangelista sa Kaniyang Viral na Litrato Kasama ang Aktres na si Song Hye Kyo, Nagkakahalaga ng PhP26.6 Million

Isa si Heart Evangelista sa mga kinikilala sa mundo ng showbiz bilang isang fashion icon. Makikita ang kaniyang napakagagandang mga kasuotan, accessories, bags, at mga sapatos. Punong-puno rin ang kaniyang wardrobe ng mga mamahaling brands ng mga damit. Bukod pa rito, lagi ring nagbabakasyon si Heart sa iba’t ibang panig ng mundo upang masilayan ang fashion shows ng iba’t ibang luxury brands.

Isa nga sa madalas na mabisita ni Heart ay ang Paris, France. Makikita sa kaniyang mga social media posts, hindi lamang ang kaniyang pamamasyal kundi pati na rin ang kaniyang shopping spree. Hindi rin mawawala ang napakaraming events na kaniyang pinupuntahan. Sa mga pagkakataon na bumibisita siya sa iba’t ibang events, hindi rin naman nagpapahuli ang kaniyang OOTD o “outfit of the day”. Karamihan sa kaniyang mga kasuotan mula ulo hanggang paa ay mula pa rin sa mga luxury brands.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Isa nga sa mga pinakahuling dinaluhan na event ni Heart sa Paris ay ang gala night ng isang jewelry brand na Chaumet. Ito ay bilang selebrasyon sa pagpapakilala ng kanilang pinakabagong koleksiyon na Ondes Et Merveilles De Chaumet. Punong-puno ang selebrasyong ito ng mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Isa na rito ang ambassador ng Chaumet na si Song Hye Kyo. Kilalang-kilala ang aktres na ito mula sa South Korea dahil sa kaniyang mga pelikula. Dahil dito, hindi rin napigilan ni Heart na kumuha ng litrato kasama ang aktres.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Photo credits: iamhearte | Instagram

Mula sa litratong ito na kumalat sa social media, napansin ng netizens, hindi lamang ang bigating aktres na kasama ni Heart kundi pati na rin ang napaka-eleganteng kasuotan ni Heart. Obra ni Mark Bumgarner ang puting gown ni Heart. Bagay na bagay ang high slit at form-fitting na gown na ito kay Heart.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Napakaganda rin ng naging ayos ng aktres. Ang isang alahas mula sa Chaumet naman ang kumumpleto sa OOTD na ito. Tinatawag umano itong Joséphine Aigrette Impériale.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Gawa rin ito sa white gold at dalawampu’t-isang 0.50-carat na diyamante. Gawa naman sa topaz ang pendant nito. Dahil punong-puno ito ng mamahaling mga brilyante, umaabot sa $484,000 ang halaga ng alahas na ito. Katumbas ito ng PhP26,624,598.

error: Content is protected !!