Connect with us

Entertainment

Aktres na si Sofia Andres, Ibinahagi ang Kanyang Buhay Noong Ipinagbubuntis niya palang ang Super Cute na Baby niya

Published

on

Ang aktres na si Sofia Andres ay nagsimula ang karera bilang isang teen-star. Una siyang nasilayan sa telebisyon bilang commercial model ng isang brand ng gatas at fast food-chain restaurant. Kahanga-hanga ang angking ganda ni Sofia kaya naman napansin agad siya sa industriya.




At noong 2012 nga, pinasok na niya ang pag-aartista kung saan naging bahagi siya ng teleseryeng “Princess and I” na pinagbibidahan ng KathNiel, real-life couple na sina Kathrine Bernardo at Daniel Padilla.

Nagsimula na ngang umusbong ang karera ni Sofia sa industriya at mas lalo pang nakilala ang kanyang pangalan sa pelikulang “She’s Dating The Gangster” kung saan muli niyang nakatrabaho ang KathNiel.

Nagtuloy-tuloy nga ang pagbuhos ng biyaya at mga proyekto kay Sofia kung saan nakatrabaho niya ang love team na LizQuen noong 2014 sa teleseryeng Forevermore. At dito na nga niya nakatrabaho ang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Ngunit, naging usap-usapan naman noon ang pagkakaroon nila ng relasyon ng aktor at singer na si Inigo Pascual, at kinumpirma nga ito ni Sofia noong 2017 na sila’y tatlong taon nang magkasintahan.




Matatandaan naman na noong 2016 ay muling nagkasama sa isang proyekto sina Sofia at Diego at naging matunog nga ang kanilang tambalan bilang Sofiego sa teleseryeng Pusong Ligaw. Bagama’t, nagkatambalan ang dalawa ay kinumpirma naman ni Sofia na wala silang relasyon at civil lamang sila.

Muli na naman ngang lumutang ang usap-usapan na may bagong lalaking nagpapasaya sa buhay ni Sofia na kinumpirma nga ni Diego sa Instagram. Siya nga si Daniel Miranda na isang race car driver.

At ngayong Father’s Day nga, June 21, ay marami ang nagulat sa rebelasyon ni Sofia sa Instagram na sila ni Daniel ay may anak na. Ang napakagandang si Sofia ay isa nang ganap na ina sa kanyang napakacute na baby girl.

Ibinahagi nga si Sofia sa isang vlog sa kanyang IGTV, ang kanyang masayang karanasan habang nagbubuntis hanggang siya’y manganak. At laking pasasalamat nga ng aktres na ang kanyang boyfriend na si Daniel ay hindi siya iniwan at palagi itong maaasahan sa tabi niya na talagang ipinaramdam sa kanya ang pagmamahal nito.

“Daniel has been there every step of the way. Every (trip), night cravings, gatherings, and I’ll be there too, in his train rides and classes. And when I’m stressed out, he’ll wake up in the middle of the night to massage me, to comfort me. It’s his way of telling me that we are in this together.”

At dahil nga Father’s Day, ipinaabot rin niya ang pagbati sa kanyang boyfriend na ngayon ay ganap ng ama sa kanilang anghel sa pamamagitan ng isang post sa Instagram na may laman na mensahe na punong-puno ng pagmamahal.




“I also want to celebrate my greatest love, Daniel. I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world. Not only that, you were also part of giving me my greatest happiness—our little angel.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Congratulations Sofia and Daniel!❤

error: Content is protected !!