Connect with us

Entertainment

Aktres na si Sheena Halili, Napanatili ang Maganda at Napakaseksi Niyang Katawan Ilang Buwan Makalipas Isilang Ang Kanyang Baby Girl

Isa nga sa talagang suliranin ng mga bagong panganak na ina ay ang paglobo ng kanilang katawan at paglaki ng kanilang timbang. Natural lamang ito, dahil sa kanilang pagbubuntis ay napapadalas rin ang kanilang pagkain para mapunan ang kinakailangang sustansiya ng kanilang dinadalang sanggol sa kanilang sinapupunan.

Credit: Shenna Halili | Instagram

Kaya naman, matinding balik-alindog program ang kanilang ginagawa para maibalik ang dating hubog ng katawan.

Ngunit, may ilan naman na kahit nagbuntis sa loob ng siyam na buwan, at ipanganak ang kanilang sanggol, ay nagagawa paring mapanatili ang magandang hubog ng katawan na tila hindi man lang nagbuntis at nanganak. At kung mga sikat na celebrity mommies na taglay parin ang angking kaseksihan matapos manganak, ay kabilang nga sa listahan ang sikat na aktres na si Sheena Halili.

Credit: Shenna Halili | Instagram

Ang 34 anyos na aktres ay na-engaged sa kanyang abogadong boyfriend na si Jeron Manzanero noong Agosto 26, 2018. Noong Pebrero 23, 2020 naman ay ikinasal na ang dalawa at agad na biniyayaan ng isang malusog na babaeng sanggol na isinilang ni Sheena noong Disyembre 13, 2020.

Ngayon nga, ay pitong buwang gulang na ang napakacute na baby girl nina Sheena na pinangalanan nilang Martina. At sa paglipas ng pitong buwan, ay kapansin-pansin nga ang maganda at napakaseksing katawan ng aktres na tila hindi nanganak.

Credit: Shenna Halili | Instagram

Matatandaan na unang ibinahagi ni Sheena ang kanyang post-preggy photo noong nakaraang buwan ng Pebrero. Nang masilayan nga ng mga netizens ang napakaseksing katawan ni Sheena, ay inulan ito ng mga komento na puno ng papuri at paghanga. Marami rin sa kaibigan niya sa showbiz ang humanga rin sa taglay niyang kaseksihan.

At kamakailan lamang, ay muli na namang inulan ng papuri mula sa publiko ang magandang aktres. Ito nga ay matapos niyang ibahagi ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya ang kanyang anak na si Baby Martina na sakay ng kanyang stroller habang sila’y namamasyal.

Credit: Shenna Halili | Instagram

Sa caption ng post ng aktres, ay mababasa na magmomorning stroll sila ng kanyang anak. At ayon pa rito, ay wala siyang dapat ipag-alala sa kanilang paglabas ng bahay, pagsakay sa elevator at maging sa pagpunta sa doctor dahil alam niya na protektado si Baby Martina sa loob ng kanyang stroller.

Kapansin-pansin naman sa simple ngunit seksing suot ni Sheena na mas lalong nagpalutang ng kanyang magandang hubog ng katawan na talaga namang napakaseksi at napakaganda rin ng aktres na animo’y hindi dumaan sa panganganak. Dahil nga dito, ay bumuhos ang positibong komento at paghanga mula sa mga netizens ang nasabing larawan ng aktres.

error: Content is protected !!