Connect with us

Entertainment

Aktres na si Sanya Lopez, Binalikan Ang Mga Panahong Naghahati pa sila ng Kanyang Kapatid na si Jak Roberto sa Isang Pansit Canton at P4 na Chocolate Drink

Sa taglay na ganda ng mukha at napakaseksing katawan ng aktres na si Sanya Lopez ay marami ang humahanga. Si Shaira Lenn Osuna Roberto o mas kilala ng publiko bilang si Sanya Lopez ay isa sa pinakasikat na artista sa showbiz sa kasalukuyan.

Isa nga si Sanya sa hinahangaang artista ngayon sa industriya ng showbiz, na bukod sa natatanging ganda at kaseksihan, ay may kahanga-hanga rin siyang talento sa pag-arte. Sa ngayon ay mapapanood natin siya sa GMA sa teleseryeng “First Yaya” kung saan talagang kinabibiliban ang kanyang husay sa pag-arte. Maliban kay Gabby Concepcion na leading man niya sa nasabing teleserye, ay leading man rin niya ang batikang aktor na si Bong Revilla sa fantaserye na “Agimat ng Agila.

Hindi nga maikakaila na talagang namamayagpag ang karera ni Sanya sa dami ng kanyang proyekto. Makikita nga na ang bunga ng kanyang kasipagan at pagsisikap sa pag-aartista, ay malayo na ang narating kung saan ay nagawa na niyang tuparin ang kanyang mga pangarap. At isa sa pinakamalaking bunga ng kanyang sipag at tiyaga ay ang kanyang naipatayong bahay para sa kanilang pamilya.

Samantala, ang kapatid niyang si Jak Roberto na isang mahusay na aktor at isa ring Kapuso, ay malaki ang naitulong sa kanya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. Kasama nga ni Sanya si Jak, sa kahit na anong hamon ng buhay, at pati na rin sa tagumpay.

Kamakailan lamang nang makapanayam si Sanya ni Butch Francisco sa “ThisIsShowbiz” kung saan, masaya niyang ibinahagi ang karanasan nila ng kanyang Kuya Jak, na talagang tumatak sa kanyang isipan bago pa man nila makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.

Kwento nga ni Sanya, ay nagmula sila sa mahirap na pamilya kaya naman kung ano man ang turo sa kanila ng kanilang mga magulang ay patuloy nila itong isinasabuhay. At isa nga sa magandang ugali na hindi nawawala sa kanila at kanilang kinalakihan ay ang maghati sa mga bagay na meron sila bilang magkapatid.

Ayon nga kay Sanya, noon raw na maliliit na bata pa lamang sila ay madalas silang maghati ng kanyang Kuya Jak sa pagkain. Katulad na lamang nga ng paghahati sa isang pirasong pansit canton at P4 na halaga ng chocolate drink. Dahil dito, ay hindi matatawaran ang pagiging malapit nila sa isa’t isa bilang magkapatid. At ngayon nga, ay dala-dala parin niya ang pagbibigayan at paghahatian.

Ang magkapatid na tulad nina Sanya at Jak na nagbibigayan, ay isang magandang halimbawa at nagsisilbi ring inspirasyon sa bawat pamilyang Pilipino lalo na mga magkakapatid.

Ayon pa nga kay Sanya, ang naranasan nilang magkapatid noon ang dahilan kung bakit sa kabila ng tinatamasa nilang tagumpay ngayon, ay nananatili paring nakatapak ang kanilang mga paa sa lupa.

Ang magandang katangian ng magkapatid na mapagkumbaba ay hinangaan ng maraming netizens. Patunay lamang nga nito, na anumang tagumpay ang dumating sa kanilang buhay, ay hindi parin nila makakalimutan kung saan sila nagmula.

error: Content is protected !!