Connect with us

Entertainment

Aktres na si Sam Pinto, Ipinasilip ang Kanyang Walk-In Closet sa Bago Nilang Condo ng Kanyang Asawang si Anthony Semerad

Kamakailan lamang ng ikasal ang napakaganda at seksing aktres na si Sam Pinto sa kanyang basketbolistang asawa na si Anthony Semerad. At sa pagsisimula ng kanilang pagmamahalan at pagbuo ng kanilang pamilya ay lumipat na sila sa kanilang bagong tahanan.

Sa napakagandang tahanan ng mag-asawa ay ramdam na ramdam ang mala-resort na vibes kung saan talagang makakapagrelaks silang mabuti. At hindi rin syempre mawawala ang walk-in closet ni Sam na talagang bagay na bagay sa disenyo ng kanilang condo.

Sa latest vlog nga ni Sam ay kanyang ipinasilip ang kanyang walk-in closet na hindi lamang nga lagayan ng mga gamit, kundi talagang sadyang ginawa para sa kanyang mga pangangailangan at habits. At bilang isang kilalang personalidad sa showbiz, ay tinitiyak niyang handa siya sa anumang okasyon sa kanyang mga magagandang OOTD. Kaya naman, talagang may nakalaan na espasyo para sa kanyang kagamitan.

Photo credits: Sam Pinto | IG

Ang walk-in closet ni Sam ay yari sa light wood kung saan ay binagayan naman ng puting disenyo. At masasabi nga na maaliwalas at malinis itong tingnan. Idagdag pa nga rito, na ang disenyo nito ay naaayon talaga sa kanyang pangangailangan.

Photo credits: Sam Pinto | IG

May nakakatuwa namang eksena si Sam habang nag-aayos siya ng kanyang closet. Kwento kasi ng seksing aktres, dahil nga nais niyang maging consistent ang theme ng kanyang walk in closet, ay nagpasya siya na bumili ng 100 pirasong wooden hanger, ngunit hindi niya inaasahan na aabot pala ng 300 pirasong hanger ang kakailanganin niya sa dami ng kanyang mga damit.

Photo credits: Sam Pinto | IG

Kapansin-pansin naman ang isang napakagandang arched mirror na siyang bubungad sa kabuuan ng walk in closet. At ang espasyong ito ay talagang kanyang ipinasadya. Kasunod naman nito ang kanyang mga naggagandahang dress.

Photo credits: Sam Pinto | IG

Samantala, nagbigay naman ng tips si Sam kung paano makakatipid ng espasyo ang mga damit sa bawat lagayan. Ayon nga sa aktres, ay maaari umanong maglagay ng dalawa hanggang tatlong damit sa isang hanger.

Sadyang napakaganda nga ng walk-in closet ni Sam na talagang makikitang nakaayos ang lahat ng kanyang mga kagamitan.

Photo credits: Sam Pinto | IG

At siyempre, hindi rin mawawala ang kanyang mga designers bag na kanya ring ipinasilip.

Photo credits: Sam Pinto | IG

Ayon naman kay Sam, ay ang lagayan ng kanyang mga mamahaling bag ang paborito niyang lugar sa kanyang walk in closet.

error: Content is protected !!