Connect with us

Uncategorized

Aktres na si Ryza Cenon, May Nakakaantig at Puno ng Pagmamahal na Mensahe Para sa Pagdiriwang ng 1st Birthday ng Kanyang Anak na si Baby Night

Sa pagdating sa buhay ng anak ng aktres na si Ryza Cenon, ay lalo ngang nadama ng first time mom ang saya at makulay niyang buhay kapiling si Baby Night. Hindi naman talaga maitatanggi na ang isang napakacute na sanggol, hatid ay kaligayahan sa loob ng tahanan. At ang pagsasama nga nila ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz ay naging mas masaya at makulay sa pagdating ng kanilang panganay na anak.

At tulad ng ibang nanay, ay wala ring pinapalampas na sandali si Ryza para iparamdam ang pagmamahal sa kanyang anak. Sa mabilis na paglipas ng panahon nga, ay talagang pinaghandaan ni Ryza ang pagsapit ng 1st birthday ng kanyang anak na si Baby Night. Makikita naman sa social media ng aktres, kung gaano siya ka-hands on pagdating sa kanyang panganay na anak.

Patunay lamang ang mga larawan na ibinabahagi sa social media ni Ryza kung gaano niya kamahal ang kanyang anak. At ilan sa mga ito ay masisilayan ang masayang bonding moments nilang mag-ina.

Samantala, hindi naman nakaligtaan ni Ryza na sa pagdiriwang ng 1st birthday ni Baby Night, ay ipaabot niya ang kanyang nakakaantig at puno ng pagmamahal na mensahe para sa espesyal na araw ng kanyag anak. Nito lamang ika-31 ng Oktubre nang masayang ipinagdiwang ni Baby Night ang kanyang kaarawan.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Ryza ang kanyang pagbati sa kanyang anak kalakip ang isang maikling video na naglalaman ng mga larawan na kuha magmula noong bagong silang pa lamang ito, hanggang ngayong isang taong gulang na ito. Masisilayan rin sa video ang ilang larawan na magkasama silang mag-ina.

“To my dearest Night, Happy 1st birthday! It’s hard to believe that you’re already a year old. Parang kailan lang nasa tummy ka ni mommy, but here we are celebrating your first birthday. Yey!!!! I thank God sa pagsagot ng dasal ko. At ikaw yun anak. You complete us and give us hope. We’re looking forward to seeing you grow up to become a good, responsible, and adorable person. We love you sooooo much! Happy birthday! iamnightcruz”

Hindi nga maitago sa caption ng post ni Ryza ang kanyang kaligayahan sa pagdating ni Baby Night sa buhay nila ni Miguel. At ayon nga sa aktres, ay ito raw ang kasagutan sa kanyang dasal. Ang kanilang anak rin raw ang bumuo ng kanilang pamilya, at nagbigay ng bagong pag-asa sa kanila. Damang-dama rin ang pagmamahal ng isang ina sa mensahe ni Ryza para sa kanyang anak na ang hangad ay makita itong lumaking isang mabuti at responsableng tao.

Samanatala, nagpaabot rin ng pagbati si Miguel sa kanilang anak para sa 1st birthday nito. Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang cute and adorable photos ni Baby Night kung saan makikita ang kanyang suot na birthday party hat katabi pa ang “One” na letter LED nightlight.

“It was exactly a year ago today when this little bundle of joy came into our lives. Welcome to toddlerhood son!! We love you!!”

error: Content is protected !!