Connect with us

Entertainment

Aktres na si Ryza Cenon, Isinilang na ang Cute and Healthy Baby Boy nila ng kanyang Boyfriend na si Miguel Antonio Cruz

“Napakahirap pero lahat worth it”, ito nga ang masayang caption sa post ng aktres na si Ryza Cenon, nito lamang November 1 sa kanyang Instagram. Labis nga ang kaligayahan ng aktres sapagkat, matapos ang hirap at sakit na pinagdaanan ay matagumpay niyang naisilang ang isang napakacute at malusog na sanggol.




Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Base sa date na kalakip sa caption ng post ni Ryza sa kanyang Instagram, noong ika-31 ng Oktubre niya isinilang ang panganay nilang anak ng kanyang nobyong si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer. Isang napakacute na baby boy ang ipinagkaloob sa buhay ng magkasintahan na pinangalanan nilang Baby Night.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Ang naturang caption naman sa post ng aktres, ay nilakipan ng larawan kung saan makikita ang munting kamay ni Baby Night na hawak ni Mommy Ryza.

“10/31/20 Napakahirap pero lahat worth it. “Welcome Baby Night!!!”, saad ni Ryza sa kanyang post.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Samantalang si Daddy Miguel naman, ay nagbahagi sa kanyang Instagram ng larawang kuha sa black and white, kung saan makikitang karga-karga ang bagong silang na si Baby Night, na kanilang bundle of joy. Nilakipan naman ito ng caption na:

“Our little bundle of joy is finally here.”

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram




Isinilang ni Ryza si Baby Night noong ika-31 ng Oktubre, araw ng Sabado sa St. Luke’s Medical Center via normal delivery. At gaya ng caption ni Ryza sa kanyang post, ay hindi naging madali ang kanyang panganganak. Ito nga ay dahil 13 oras siyang naglabor at masikip ang dadaanan ng bata. Sa huli nga, ay gumamit pa umano ng vacuum upang mailabas si Baby Night.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Kaya naman laking pasasalamat niya dahil nagawa niyang manganak ng normal sa isang napakalusog na sanggol na may timbang na 2.68 kilograms at haba na 49 centimeters. Nang masilayan nga ang napakacute na baby boy, ay napaiyak na lamang ang aktres dahil sa labis na kaligayahan. Kasabay nga nito, ay ang pagkawala ng kanyang nararamdamang pagod at hirap bago isilang si Baby Night.

Matatandaan naman na noong nakaraang Agosto nang ianunsyo ni Ryza ang kanyang pagbubuntis sa panganay nilang anak ng kanyang boyfriend na si Miguel Antonio Cruz.

error: Content is protected !!