Connect with us

Entertainment

Aktres na Si Nathalie Hart Nagsimula ng Sumailalim sa Military Training Para Maging Isang Reservist ng Philippine Army

Ilan na sa mga kilala nating personalidad sa showbiz ang ngayon ay mga reservist na din ng Philippine Army, at ito nga ay kanilang ginawa sa kagustuhan nilang magbigay serbisyo sa ating bansa. Ilan nga sa mga celebrity na mga reservist na ay sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Arci Muñoz, JM de Guzman, Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, at ang beauty queen-actress na si Winwyn Marquez.

Photo credits: Nathalie Hart | IG

Samantala, ang aktres na si Nathalie Hart ay tila naengganyo din na maging isang army reservist, ito nga ay matapos niyang sumailalim nito lamang nakaraan sa Basic Citizen Military Training (BCMT).

Noon nga lamang araw ng Linggo, ika-15 ng Mayo ay nagsimula na ngang mag-training si Nathalie Hart sa National Capital Region Regional Community Defense Group headquarters, ito ay base nga update sa official Facebook page ng Philippine Army’s Reservist and Retiree Affairs Administrators noong ika-16 ng Mayo araw ng Lunes.

Photo credits: Nathalie Hart | FB

“Female celebrity Ms. Nathalie Hart will undergo said training for her to become an Army Reservist. BCMT is a 45-day training that is conducted for those interested civilians who want to join the Reverse Force”, saad nga sa Facebook post ng nabanggit na page.

Ayon nga sa naturang post, ang training nga na ito ng BCMT na kinabibilangan ni Nathalie ay aabot ng apatnaput-limang araw. Saad pa sa caption ng naturang page, ang training na ito ay para sa lahat ng mga sibilyan na interesado na maging isang Reserve Force at nais ngang magbigay serbisyo sa ating bansa.

Photo credits: Nathalie Hart | FB

Makikita naman sa ibinahaging larawan ng nasabing Facebook page ang naging pagsailalim ng aktres na si Nathalie Hart, kung saan siya nga ay gumagapang sa may kalupaan kasama ang ilan pang mga kababaihan na mga trainee din tulad niya.

Kabilang din sa mga ginawang training ni Nathalie at ng kanyang mga kasamahan ay ang pag-jumping jack kahit na nga puro putik na ang kanilang mga kasuotan. May larawan din nga kung saan makikita na tila nasa loob ng isang silid sina Nathalie kasama pa ang iba pang mga kababaihan.

Photo credits: Nathalie Hart | FB

Si Nathalie Hart o sa tunay na buhay ay si Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell ay isang 30-taong gulang na aktres sa Pilipinas na ipinanganak noong ika-14 ng Abril taong 1992. Ang kanyang ina ay isang Pinay, samantalang isa namang Australiano ang kanyang namayapa ng ama.

error: Content is protected !!