Connect with us

Entertainment

Aktres na si Nathalie Hart, Ibinahagi ang Hirap na Nararanasan sa Pagtataguyod ng Mag-isa sa Kanyang Anak

Marahil ay maraming mga magulang ang nahihirapan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Hindi naman talaga madali magpalaki ng anak, lalo na kung hirap sa buhay. Kung ang mag-asawa nga na magkaagapay sa pagtataguyod ng mga anak ay nahihirapan, pano pa kaya ang isang ina na walang katuwang sa buhay at mag-isang itinataguyod ang mga anak.




Katulad na lamang nga ng aktres na si Nathalie Hart na mag-isang binubuhay ngayon ang kanyang anak na si Penelope. Si Penelope ay isinilang ni Nathalie noong Pebrero 2019 sa Sydney, Australia. At ngayong darating na Pebrero nga, ay sasapit na ang ikalawang taong kaarawan ng kanyang napakacute anak.

Samantala, hindi naman nagtagal ang relasyon ni Nathalie sa ama ng kanyang anak na isang Indian businessman na si Mayank Sharma. At ngayon nga, ay dobleng hirap ang nararanasan ni Nathalie sa pagpapalaki ng kanyang anak bilang isang single mom.

Nang makapanayam ng PUSH.ph si Nathalie sa virtual mediacon para sa pelikulang Steal ng Viva Films, ay inamin ng aktres ang hirap na kanyang nararanasan sa pagtataguyod ng mag-isa sa kanyang anak. Ayon nga sa aktres, ang bawat pera na kanyang iniipon, ay inilalagay niya sa negosyo upang makatulong sa kanila pagdating ng panahon.

“For me now na habang tumatanda yung anak ko, yung lahat ng naiipon ko ngayon I’m putting it into business para meron aasahan in the future.”

Dagdag pa nito, ay talagang bina-budget niya ang perang kanyang kinikita nang sa gayon, ay may maibigay pa siya sa kanyang anak.




“Medyo ngayon naghihirap talaga ako. Kumbaga, kung ano yung nagagastos ko sa bahay, sa anak ko, bina-budget kong mabuti. Kasi whatever I have now, I’m putting it into business nga, so kung ano na lang yung napupunta sa anak ko.”

Pag-amin pa nga nito, kahit nga hirap sa pera at talagang bina-budget niya ang bawat salapi, ay napapagkasya umano niya ito sa tulong ng tamang pagba-budget at kunting pagsasakripisyo.

“To be honest with you, naaayos ko naman. Okay naman so far, pero ganun talaga ang buhay, kailangan mong magsakripisyo. You have to really budget at yon ang ginagawa ko ngayon.”

Samantala, naibahagi rin ni Nathalie, ang isang pangyayari sa buhay niya na dahil sa labis na pagtitiwala ay nawalan umano siya ng mamahaling Rolex watch. Sa kwento ni Nathalie, ay kababalik lamang niya noon sa Pilipinas kung saan wala siyang katulong sa bahay, kung kaya’t kumuha siya ng dalawang tao sa agency.

Ngunit, sa kasamaang palad ang taong kanya sanang aasahan, ay siya palang sisira ng kanyang tiwala. Magmula nga noon ay naging maingat na ang aktres. At dahil sa nangyari, ay minabuti ni Nathalie na magpakabit ng CCTV sa kanilang tahanan upang hindi na maulit ang insidente.

Sa pelikulang Steal ng Viva Films na kanyang gagampanan ay makakasama niya ang mahuhusay na artista na kinabibilangan nina Jennifer Lee, Meg Imperial, at Ella Cruz.

error: Content is protected !!