Connect with us

Entertainment

Aktres na Si Lauren Young, Ipinasilip ang Kanyang Bagong Bahay sa Subic sa Pamamagitan ng Isang Virtual Tour

Napakasaya naman talaga sa pakiramdam kapag ikaw ay naninirahan na sa sarili mong tahanan na ikaw mismo ang nagpundar, kaya naman talagang masaya ang puso ng Kapuso actress na si Lauren Young matapos nga niyang opisyan ng makalipat sa kanyang bago at sariling bahay sa Subic.

Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi nga ni Lauren na siya ay tuluyan ng maninirahan sa Subic, Zambales, at siya nga umano ay umalis na sa nirerentahan niyang condo unit sa Maynila. Ibinahagi din niya na sa kasalukuyan ay umuwi muna nga siya sa kanyang tahanan sa Subic, ito ay dahil siya ngayon ay naka-break sa taping ng bago niyang teleseryeng kinabibilangan ito ay ang ‘Never Say Goodbye.’

Samantala, upang mabigyan ng kasiyahan ang marami niyang mga tagahanga at tagasubaybay ay nagbigay pasilip nga si Lauren sa kanyang bagong bahay sa Subic, ito ay sa pamamagitan nga ng isang house tour vlog na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

“I have something interesting to show you today. So, I on break from my taping, and dahil wala na akong mauuwian sa Manila. I decided to go to my new house in Subic Bay!”, ang naging saad ni Lauren.

Dagdag na saad pa ng Kapuso actress, dahil naroroon na rin nga siya sa kanyang bagong bahay, ay napagdesisyunan nga niyang ipasilip na lamang ito sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay.

“Yes. So, I have officially moved out of Metro Manila and I’ve decided… I’m gonna give a house tour. Magha-house our na ko. Dati walang ganito. Medyo lume-level up na ‘yung buhay natin.”

Bago naman sinimulan ni Lauren ang kanyang pa-tour sa bago niyang bahay sa Subic, ay ibinahagi muna nga niya ang isang ‘disclaimer’ , kung saan ay sinabi nga niyang hindi glamoroso ang bersyon niya ng house tour, hindi tulad sa ilang mga pa-house tour na ginagawa ng ilan sa YouTube.

“By the way, this is not a glamorous house tour that you’re used to seeing in YouTube… I mean… we like to keep it real here. Hindi naman tayo nagkukunwari na mayaman tayo, na sosyal tayo, na may mood board tayo, at saka sobrang aesthetic ng buhay natin”, ani Lauren.

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Una ngang ipinakita ni Lauren sa kanyang house toure ang living area ng bago niyang bahay, kung saan ay agad ngang mapapansin ang pagiging cozy nito. Mapapansin naman na mayroong kumot ang sofa ng aktres, at ipinaliwanag nga ni Lauren na ito ay inilagay niya upang maiwasan ang makalmot ng mga alaga niyang aso ang naturang sofa.

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Makikita naman sa dining area ng aktres ang isang simpleng 8-seater dining table at sa kitchen area naman ay mayroong kupleto at modernong mga appliances.

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Ayon nga kay Lauren, gusting gusto niyang tumambay sa kanyang kitchen area, at excited na nga siyang gumawa ng mga cooking video dito. Tuwang-tuwa ding ipinasilip ng Kapuso actress ang napakaraming mga storage area sa kanyang kitchen.

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Ipinasilip nga din ng aktres ang kanyang bedroom, kung saan ay isang queen-sized bed ang naroroon. Mayroon ding computer working station si Lauren sa kanyang silid at ang kanyang tinawag na abubot corner niya.

Photo credits: Lauren Young | Youtube

Huling ipinasilip naman ng aktres ang kanyang bathroom at walk-in closet.

error: Content is protected !!