Connect with us

Entertainment

Aktres na si Kiray Celis, Nabash ng mga Netizens Matapos Ibahagi ang Suot na Scarf na Nagkakahalaga ng P16,000

Maraming netizens ang naaliw sa aktres at komedyante na si Kiray Celis, ngunit marami rin ang nanlait sa aktres. Ito nga ay matapos ibahagi ni Kiray ang kanyang suot na mamahaling scarf na nagkakahalaga ng P16,000.

Photo credits: Kiray Celis | IG

Sa Instagram ibinahagi ni Kiray ang isang larawan kung saan makikita na may nakabalatay sa katawan niya ang mamahaling scarf mula sa Gucci. At ayon sa caption ng post ni Kiray ay nagkakahalaga ito ng P16,000.




“My 16k gucci scarf from @luxonlinephofficial! Huhuhu di ko na talaga matutubos mga pamangkin ko. HAHAHAHAHAHA! I love you ate @anna_magkawas! Salamat ate.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Ngunit sa halip na makatanggap ng papuri mula sa kanyang tagahanga, ay mas marami pa ang nanlait at ginawang katatawanan ang nasabing larawan ng aktres.

“Nagmukang 600 nung sinuot mo,”saad ng basher.

“Hahaha bakit parang mas mahaba pa yung scarf sayo lol,” pahayag naman ng isa pang basher.

“Hilig mo sa libre, tinalo mo pa si lovee, mayabang sa set, pabida lang may pa-free food lagi! Charity,” komento naman ng isa.

Ngunit, may ilan rin namang natuwa at humanga sa aktres. Narito ang kanilang komento:

“Kinakabahan ako sayo @kiraycelis baka susunod na mababasa ko nasangla muna nanay at tatay mo hahahaha.”

“Wow bongga naman po nyan @kiraycelis.”




Samantala, bagama’t sanay na si Kiray sa mga sinasabi at panlalait sa kanya ng ilan, ay hindi niya pa rin pinalampas ang masasakit na salitang ibinato sa kanya. Sa Facebook account ng aktres, matapos ibahagi ang artikulo mula sa Bandera noong Pebrero 10, ay nilinaw niya ang kanyang adhikain kung bakit niya kailangang ilagay ang presyo ng scarf sa kanyang post.

Narito ang pahayag ni Kiray:

“Pwede ba tigilan niyo ako! Ako tumatagod sa buong pamilya ko. Hindi ako bibili ng 16k na scarf! Kaya nga ito pinost kasi galing sa sponsor na kailangan ipromote. At kaya ko nilagay yung presyo kasi para malaman ng lahat na legit yung binebenta nila kaya ganun kamahal. HAHAHAHAHA Kaya di tayo umaasenso kasi ang dami nating oras pagdating sa panlalait ng kapwa. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”

Photo credits: Kiray Celis | IG

Tila nga nasa ugali na ng ilan ang manghusga ng kapwa, na animo’y napakaperpekto ng pagkatao. At isa nga si Kiray sa mga nakakaranas ng ganito kung saan, ay nasasaktan ang kanyang damdamin sa mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya.

error: Content is protected !!