Connect with us

Entertainment

Aktres na si Kiray Celis, Inamin na Naging Masamang Anak Dahil sa Kanyang Naging First Boyfriend na Binago ang Kanyang Pagkatao

Hindi naman talaga maikakaila na ang aktres at komedyante na si Kiray Celis ay isang masayahing tao. Bukod rito, ay makikita rin na talagang isang mapagmahal na anak si Kiray sa kanyang nga magulang. At biniyayaan rin ang aktres ng makulay at masayang love life sa piling ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Credit: Kiray Celis | Instagram

Ngunit, bago pala makamit ni Kiray ang kanyang masayang buhay ngayon sa piling ng mga taong nagmamahal sa kanya, ay ibang Kiray pala siya noon matapos nga makarelasyon ang kanyang naging unang boyfriend.

Sa isang panayam sa Stories of Hope, ay inilahad ng Kapuso actress ang kanyang mapait na karanasan, at malaking pagbabago sa kanyang katauhan dahil sa isang lalaki. Inamin nga ni Kiray sa panayam, na naging isang masama siyang anak at nagawang suwayin ang kanyang mga magulang dahil sa naging boyfriend niya na ito na hindi niya pinangalanan.

Credit: Kiray Celis | Instagram

Kwento nga ni Kiray, ay hindi naman raw talaga third party ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang naunang boyfriend, kundi dahil umano nagiging masamang impluwensya na ito sa kanya.

At isa nga sa talagang hindi makakalimutang karanasan niya sa piling ng kanyang ex-boyfriend ay nang masuntok niya ito dahil sa hindi magandang kasagutan na ibinigay nito sa kanya kung bakit siya nito niloko. Sa halip nga na magpaliwanag umano ang lalaki, ay sumagot pa raw ito ng “kasi deserve mo”. At hindi na nga nakapagpigil pa si Kiray kaya nasuntok niya ito ng malakas.

Credit: Kiray Celis | Instagram

“Ang hindi ko pinakanakakalimutan na narinig ko, sabi ko ‘Bakit mo ako niloko?’ Ang sagot niya ‘Kasi deserve mo.’”

“Hindi ko po napigilan ang sarili ko, nasuntok ko. Nasuntok ko talaga. Tapos nagulat ‘yung mga tao kasi ang lakas.”

Kwento pa ni Kiray, ay naramdaman naman niya agad na nasa maling tao siya lalo na nga’t puro negatibong bagay ang naririnig niya mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“Kapag maling tao talaga, mararamdaman mo kaagad. Kasi kapag may nagtatanong sa akin noon dati na ‘Nakikita mo siya sa future mo? Kailan kasal n’yo? Kailan kayo magkakaanak? Anong plano n’yo? Sobrang toxic kasi laging lahat negative ‘yung naririnig ko.”

Inamin rin ni Kiray na binago rin ng dati niyang boyfriend ang kanyang buong pagkatao, mula nga sa pananamit hanggang sa kanyang pagkilos.

“I’m a different person. Kasi iniba ako ng taong iyon. Iniba niya ako simula sa pananamit, simula sa ugali.”

“Sobrang jologs ko po kasi, siyempre pinalaki ako ng parents ko na huwag masyadong maarte. Kahit nga sa floor puwede akong mag-Indian sit, ‘yung rubber shoes lang. Siya, kailangan lagi akong feminine, kailangan laging posh.”

At dahil sa labis na pagmamahal ni Kiray sa kanyang ex-boyfriend ay hinayaan niyang baguhin siya nito hanggang sa dumating rin ang puntong naging isang masama siyang anak na kung saan nga ay nagawa niyang suwayin ang kanyang mga magulang.

“Iniba niya talaga ako. Kahit ‘yung ugali ko iniba niya ako, iniba niya ako as a person talaga, buong buo. Inside and out iniba niya ako. Alam ng mga kaibigan ko na ‘Iba na, iba ka na.’”

“Kasi literal sobrang samang anak, sabi ko talaga naging masamang anak ako noong panahon na napunta ako sa maling tao.”

Credit: Kiray Celis | Instagram

Ang mapait na karanasang ito, ay nagturo kay Kiray ng isang leksyon sa buhay na lagi niyang bitbit. Malaki rin ang pasasalamat ni Kiray dahil sa kabila ng kanyang naranasan sa naunang pag-ibig, ay mapalad parin siya dahil ipinagkaloob sa kanya ang bagong pag-ibig na muling bubuo sa kanyang pagkatao at muling magbabalik sa kanyang paniniwala sa true love. At ito nga ay natagpuan ni Kiray sa katauhan ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia na siyang naging daan para siya’y makamove on.

“Totoo pala ‘yung nasa tabi mo lang, hindi mo pinapansin, ‘yun pala ‘yung tamang tao para sa ‘yo. Noong naging kami, ilang araw pa lang, burado na po ‘yung tatlong taon sa maling tao.”

“I’m Kiray now, ako na siya. Bumalik na ako, ako na ulit. ‘Yung saya ko, ‘yung happiness ko.”

“Actually ang dami ko ngang natutunan, ilang beses kong sasabihin sa inyo, ang dami kong natutunan sa maling relasyon. Kaya thankful din po ako, Kasi hindi mo naman makikilala ‘yung tama kung hindi ka rin nagkamali.”

Credit: Kiray Celis | Instagram

At ngayon nga, ay makikita na talagang nag-uumapaw sa saya at kilig ang love life ni Kiray sa piling ni Stephan.

error: Content is protected !!