Connect with us

Entertainment

Aktres na si Kathryn Bernardo, Ipinasilip ang Kanilang Badminton Training Kasama ang kanyang Boyfriend na si Daniel Padilla

Maraming mga tagahanga ang nakaabang sa buhay ng sikat na aktres na si Kathryn Bernardo na nais masilayan ang kanyang mga pinagkakaabalahan sa araw-araw.

Kaya naman sa kanyang YouTube Channel na “Everyday Kath”, ay hindi siya nagsasawang magbigay ng updates sa mga kaganapan sa buhay niya para masilayan ng kanyang mga tagahanga.

Nito lamang ika-8 ng Mayo, ay ibinahagi ni Kath ang isang vlog sa kanyang YouTube Channel ang bagong sport na kanyang natutunan, ang badminton.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Sa unang bahagi ng video ay ipinasilip muna ni Kath ang paghahanda ng kanyang sarili bago sumabak sa unang araw ng kanyang training. Ipinakita rin ni Kath ang laman ng bag na kanyang dadalhin sa badminton court na kakailanganin niya sa training.

Ilan nga sa mga laman nito ay gamit para sa larong badminton gaya ng shuttlecock at badminton rackets na ipinaliwanag niya naman isa-isa kung kanino galing o kung sino ang nagbigay. Maliban sa mga bigay sa kanyang racket ay may binili rin siya online.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Hindi rin nakaligtaang maglagay ni Kath ng mga gamit para sa kanyang kaligtasan, at bilang pagsunod na rin sa health protocols tulad ng facemask, disinfectant sprays at alcohol. May bag organizer ring dala si Kath kung saan nakalagay ang kanyang extra clothes, at gamit panligo kung sakali mang nais niyang maligo after training.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Samantala, kasama naman ni Kath sa kanyang badminton session ang kanyang mga kaibigan at boyfriend na si Daniel Padilla. Sa pagsisimula ng training ay ipinakilala naman niya si Coach Kennie Asuncion.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Matapos ang stretching, ay dumaan rin sila sa iba pang exercises bilang paghahanda sa training. Makikita naman na talagang enjoy na enjoy si Kath, at excited na ring matuto sa paglalaro ng badminton.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

Sa pagsisimula nga ng training ay ipinamalas ni Kath ang kanyang husay at makikita na mabilis niyang matuto hanggang matapos ang last set. Makikita naman na kahit napagod sa training si Kath, ay masaya naman ang aktres dahil nagawa niyang matutunan ang palalaro ng badminton na kanyang ipinangako sa kanyang sarili na magagawa niya ngayong taon.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube 

At ngayon ngang nasimulan na ang training, tiniyak naman ng aktres na maglalaan siya ng oras upang mas matutunan pa ang paglalaro ng badminton.

error: Content is protected !!