Connect with us

Entertainment

Aktres na si Jessy Mendiola, Namataang Nagsusukat ng Wedding Gown, Ikakasal na nga ba?

Agad na kumalat ang balita sa social media at iba pang online platform na ang aktres na si Jessy Mendiola ay ikakasal na sa kanyang long-time boyfriend na si Luis Manzano. Ito nga ay matapos mamataan ang aktres na nagsusukat ng wedding gown.




Ang larawan ni Jessy habang nagsusukat ng wedding gown, ay kuha ng Perez-Rubio Bridal kung saan ay ibinahagi pa nito sa Instagram. Ilang sandali lamang nga, at agad kumalat ang espekulasyon na ikakasal na nga ang aktres. Bagamat, walang anumang sinabi ang nag-upload ng larawan kung para saan ang suot-suot na wedding gown ng aktres at tanging caption lamang ang nakasaad rito, ay marami parin ang nag-isip na nalalapit ng ikasal aktres.

“Jessy Mendiola in our classic Claire dress.”

Photo credits: Push.ph

Hindi naman talaga maiwasan ang pag-iisip ng marami na ikakasal na sina Jessy at Luis, lalo na’t nagkataon rin na mainit ang usap-usapan ngayon patungkol sa engagement ng dalawa. Ito nga ay matapos magbahagi ng aktres na si Jessy ng larawan sa kanyang Instagram story. Kung saan makikita ang aktres na nakasuot ng isang napakagandang singsing na may disenyo ng malaking diamond.

Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataong napabalita ang engagement ng magkasintahang Jessy at Luis. Dahil noong nakaraang buwan ng Hulyo, ay ibinahagi ng aktres na si Vivian Velez sa Facebook post na handa na umanong pakasalan ni Luis si Jessy.

“Jessy Mendiola’s mom, Didith is my second cousin. Last February, Luis Manzano expressed his desire to marry Jessy. You made the right choice Lucky… #couplegoals.”




Matatandaan naman na noong Pebrero 2019 sa isang panayam na ipinahayag ni Luis na alam na niya sa sarili niyang si Jessy ang nais niyang makasama habang buhay.

“I am sure about her. I’m not having doubts at all. It’s just that I want to provide for her and give her the life that I think she and my would-be family deserve. To get married is easy, but maintaining a home isn’t. I keep saying, yes, our lives will be good and comfortable for X amount of years, but what if something untoward happens? I’m just being a realist.”

Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram

Hindi naman maikakaila na bukas na ang celebrity couple sa ideya ng pagpapakasal. Maging ang estado ng kanilang relasyon ay madalas nilang ibahagi sa publiko. At noong nakaraang Hunyo lamang ay masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 4th Anniversary bilang magkasintahan.

error: Content is protected !!