Connect with us

Entertainment

Aktres na si Janella Salvador, Hinangaan ng Marami dahil sa Mas Maganda at Fit na Katawan nito.

Pinag-usapang muli ang aktres na si Janella Salvador sa social media, matapos na hangaan at purihin ng mga netizens ang hot mama figure ng aktres na taglay naman talaga ang kahanga-hangang kaseksihan.

Photo credits: Janella Salvador| IG

Si Janella Salvador ay isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz, kung saan noon ngang mga nakaraang taon ay sandaling nawala sa limelight ang aktres, at ito nga ay nang umugong ang balita na siya ay nagdadalang-tao matapos niyang manirahan ng halos higit isang taon sa ibang bansa.

Photo Credits: Cdsycip | IG

Kahit nga may mga balita ng umugong na buntis ang aktres, ay naging malaking sorpresa pa rin sa publliko ng ilantad na nga ni Janella at ng boyfriend niyang si Marcus Paterson ang pagkakaroon na nila ng anak, at ito nga ay isang baby boy na pinangalanan nilang si Jude.

Matapos ang panganganak, ay hini naiwasan ni Janella ang paglobo ng kanyang timbang, at hindi din naman niya inilihim sa publiko na upang maibalik niya ang kanyang confidence at ihanda ang sarili sa kanyang pagbabalik trabaho sa telebisyon, ay sumailalim nga siya sa prosesong liposuction.

Photo credits: Macmanicad| IG

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay naging agaw-atensyon si Janella sa social media, ito ay matapos ngang ibida ng first time mommy sa mga ibinahagi niyang larawan ang kanyang swimsuit photo, kung saan ay makikita nga na naibalik na niya ang kaseksihan ng kanyang katawan at ang confidence niya sa kanyang sarili.
Makikita nga sa mga larawan ni Janella kung gaano siya ka-proud na ipangalandakan sa publiko ang naging resulta ng kanyang balik-alinog journey.

Photo credits: Janella Salvador| IG

Ang naturang larawan umano na ito ng aktres na siya nga ay nakasuot ng swimsuit, ay kuha umano noong ipagdiwang niya ang kanyang ika-24 taong kaarawan sa isang beach kung saan ay nakasama rin niya ang ilan sa mga kanyang mga non-showbiz friends.

Maliban nga sa pagsailalim ni Janella sa liposuction, ay matatandaan rin na noong mga nakaraang buwan ay ibinahagi ng aktres ang pagsasagawa niya ng iba’t ibang mga fitness regimen.

Photo Credits: Cdsycip | IG

Marami naman ang talagang napa-wow sa taglay na kaseksihan ni Janella habang suot ang isang one-piece swimsuit. Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento ng papuri para sa aktres.

“Minsan talaga mas lalong gumaganda kapag nagkakaanak at isa na si Janella dun.”
“Sana all sexy pa din kahit Nanay na Happy Birthday Janella Salvador.”
“Parang hindi nanganak super s3xy pa din ni Janella

error: Content is protected !!