Connect with us

Entertainment

Aktres na si Jane Oineza, Ibinahagi ang kanyang Pinagkakaabalahan Ngayong Quarantine; Isa din palang Certified Plantita

Ang cute na batang napanood natin sa Goin’ Bulilit noon na nagpangiti sa atin sa kanyang kabibohan na si Jane Oineza, ay isa na sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz ngayon. Matapos makilala sa Goin’ Bulilit ay pinatunayan niya ang sariling kakayahan bilang isang mahusay na artista. At ngayon nga, ay patuloy na umaarangkada ang kanyang karera. Mapapanood na nga ngayon sa Netflix ang dalawa niyang pelikula na talagang ipinamalas ang kanyang angking husay sa pag-arte. Ito nga ang mga pelikulang “Us Again” kasama si RK Bagatsing, at “Finding You” kung saan nakasama naman niya si Jerome Ponce.



Kamakailan lamang nang makapanayam ni DJ Jhai Ho ang napakagandang aktres na si Jane sa episode ng Hotspot. Dito nga ay masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon, maging ang bago niyang hobby.

Photo credits: janeoineza | Instagram 

Pagbabahagi nga ni Jane, dahil sa matagal na pananatili sa loob ng tahanan dahil sa ipinapatupad na quarantine, ay nagkaroon umano siya ng mas maraming oras na gawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa dati. Isa na nga rito ang pangongolekta ng iba’t ibang klaseng halaman, na nauuso ngayon. Sa Instagram nga ng aktres, ay makikita na talagang isa na siyang “certified plantita” sa dami ng kanyang halaman na siya mismo ang nagdidilig at nag-rerepot.

Photo credits: ABS-CBN Entertainment

Ayon naman sa aktres, noong una raw ay nahirapan pa siya kung paano ang gagawin, ngunit sa katagalan ay hindi na nga niya namalayan at dumami na ng dumami ang kanyang koleksyon ng mga halaman. Ang mga magagandang halaman naman ang nagsisilbing dekorasyon ng aktres sa loob ng kanyang bahay lalo na sa living room. Sa kanyang maikling house tour, ay makikita ang mga halaman tulad ng ivy plant, snake plant, philo plant, rubber tree, cactus, at spider plant.

Photo credits: janeoineza | Instagram

Samantala, maliban sa pagiging plantita, ay napakasexy rin ng aktres. At ang dahilan umano ng kanyang pagiging “fit and healthy”, ay ang intermittent fasting na kung saan ay sinamahan niya ng matinding training at nagbawas rin sa pagkain ng kanin. Ibinunyag rin ng aktres ang isa pang sikreto upang maging fit and healthy ang katawan.



Ito nga ay “consistency”, dahil nga hindi naman agad makakamit ang nais sa katawan ng madalian lamang kung kaya’t kinakailangan umano na i-maintain kung ano ang nasimulan.

Photo credits: ABS-CBN Entertainment

Makikita nga sa katawan aktres ang bunga ng kanyang pagsisikap na maging “fit and healthy”. At ang kanyang naging “fitspiration” umano ay ang kanyang sarili.

Photo credits: ABS-CBN Entertainment

Sa huling bahagi naman ng panayam kay Jane ni DJ Jhai Ho, ay nagpaunlak ng house tour ang aktres kung saan ipinakita niya ang kanyang mga kagamitang sa loob ng napakaganda niyang tahanan. Maging ang mga koleksiyon niya ng mga halaman ay ibinahagi rin niya. At dami nga ng mga ito, ay hindi na umano niya napangalanan.

Panoorin ang kabuuan ng video sa naging panayam ni DJ Jhai Ho kay Jane Oineza.

error: Content is protected !!