Connect with us

Entertainment

Aktres na si Jane De Leon, Tuloy na Tuloy na ang Paglipad Bilang Darna, Magpapaalam na sa “FPJ’s Ang Probinsyano” Para sa Pagsisimula ng Taping ng Darna

Tila nga wala ng makakapigil pa sa tuluyang paglipad sa telebisyon ng Pinay superhero na Darna na pagbibidahan ng sikat na aktres na si Jane De Leon. Ngunit, bago tuluyang gumanap na Darna at maghanda sa taping ng nasabing proyekto, ay kinakailangan munang magpaalam ni Jane sa action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Credit: Facebook | Image

Si Jane ay gumaganap ngayon sa nabanggit na teleserye bilang si Capt. Lia Mante. At ayon nga sa Kapamilya network, ay tatapusin na lamang ng aktres ang natitira nitong mga scenes sa action drama series para makapaghanda na sa pagsisimula ng taping ng Darna. Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Enero nang sumabak si Jane sa kanyang karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang teleserye naman ang nagsilbing daan ni Jane upang ipamalas ang kanyang natatanging talento sa pag-arte. At base nga sa ipinamalas na kakayahan ni Jane, ay hindi maikakaila na karapat-dapat sa kanya ang role bilang bida sa Darna. Bagama’t maraming manonood ang nakaabang sa nakakakilig na tambalan ng “CarLia” ay kinakailangan nang lisanin ni Jane ang teleserye para sa pagsisimula ng kanyang malaking proyekto.

Credit: Facebook | Image

Sa darating na buwan ng Setyembre na magsisimula ang taping ng pinakainaabangan ng lahat na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series. Kaya naman, matinding paghahanda na rin ang ginagawa ni Jane bago sumabak sa taping. Sa halip nga na isang movie ang gagawin para sa Darna, ay ginawa na lamang itong teleserye.

Matatandaan naman na taong 2014 nang magsimulang pag-usapan ang pagbabalik telebisyon ng adaptation ng Darna ni Mars Ravelo. At ang unang napagpasyan ng Kapamilya network na gaganap ng Darna ay ang aktres na si Angel Locsin na dati na ring gumanap sa nasabing karakter noong nasa GMA pa siya. Ngunit, dahil sa hindi magandang estado ng kalusugan ni Angel, ay nagpasya ang management na palitan ang aktres.

Credit: Facebook | Image

Sa pangalawang pagkakataon, ay napili naman ng management ang maganda at talented na aktres na si Liza Soberano. Ngunit, dahil naman sa hindi inaasahang injury ni Liza ay hindi natuloy ang kanyang pagganap bilang bida ng teleserye. At sa pangatlong beses na pagpapalit ng bida noong 2019, ay si Jane de Leon na nga ang kanilang napili.

Credit: Jane De Leon | Instagram

Minsan na ring napabalita na matapos mapili bilang gaganap na Darna, ay nagsimula na ring mag-shooting si Jane ngunit dahil sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay nahinto ito.

Matapos ang ilang beses na pagkakaudlot ng teleserye dahil sa ilang beses na pagpapalit ng cast at direktor sa wakas nga ay tuloy na tuloy na ang paglipad bilang Darna ni Jane sa ating mga telebisyon.

error: Content is protected !!