Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Namayapang Ina ni Iza Calzado 18 Taon na ang Nakalipas, na Kamukang kamuka at Kasing Ganda nito

Labing-siyam na taon na nga ang lumipas nang pumanaw ang ina ng aktres na si Iza Calzado. At nito lamang ika-23 ng Nobyembre, ay muling inalala ng aktres ang anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang mahal na ina na si Mary Ann Ussher. Ayon sa ulat, ang naging dahilan umano ng pagpanaw ng kanyang ina ay “pagpapatiwakal”.

Photo credits: Iza Calzado | Instagram

Sa nasabing araw, ipinakita ni Iza ang kanyang pagdadalamhati sa pamamagitan ng isang Instagram post kalakip ang larawan ng kanyang yumaong ina kung saan may nakakaantig na mensahe para rito.

Panimula ni Iza sa kanyang post, “19 years ago, I lost you.”




Dagdag naman ng aktres, ay tila napakabilis ng paglipas ng panahon. Dahil sa bawat araw umanong nagdaan, ay marami siyang bagay na natututunan patungkol sa buhay. Na sa kabila ng hirap at pagsubok na nararanasan, ay siya naman niyang nakikita ang kagandahang taglay nito. At unti-unti na raw niyang naiintindihan ang kanyang ina sa bawat taon na lumipas.

Photo credits: Iza Calzado | Instagram

“How quickly time flies. I am learning so much about life and how tough it can be but also discovering how beautiful it is. I understand you a little better with each passing year. ”

Mababakas naman ang kalungkutan at puno ng emosyon sa sumunod na mensahe ng aktres. Ayon nga rito, ay sana raw ay nabigyan sila ng mas mahabang panahon na magkasama, upang magkasamang harapin ang mga hamon ng buhay. Ngunit, kahit wala na umano ang kanyang ina, alam niya na hindi siya nito iniwan at palagi niya itong kasama sa bawat araw at mga bagay na kanyang ginagawa.

Photo credits: Iza Calzado | Instagram

“Wish we were given more time to experience this adventure called life together but deep inside I know you are with me in everything I do.”

Sa huli, ay ipinarating ni Iza sa kanyang yumaong ina ang kanyang buong pusong pagmamahal para rito.

“I love you, Mama. I wish you peace, love, and light.”

Matatandaan na taong 2001, nang mapabalita ang pagpanaw ng ina ni Iza. At ayon sa mga naunang ulat, ay cancer umano ang dahilan ng pagkasawi nito.

Photo credits: Iza Calzado | Instagram

Samantala, noong Oktubre ng nakaraang taon, ay lakas-loob na ibinunyag ni Iza sa publiko ang totoong dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina. Ito nga ay dahil umano sa dpression kung saan ay mahabang panahong nakipagsapalaran sa pakakaroon ng “bi-polar disorder”.




Matatandaan naman noong pagdiriwang ng Mental Health Awareness Day, ay binuksan sa publiko ni Iza ang patungkol sa pagpanaw ng kanyang ina. Ito nga ay sa pamamagitan ng isang video na ini-released ng She Talks Asia, isang women’s movement na kung saan ay isa siya sa mga nagtaguyod.

“The sharing of this story is also my greatest gift to her. I want to let her know that I am no longer ashamed and I understand her,”saad ng aktres.

error: Content is protected !!