Connect with us

Stories

Aktres na si Iwa Moto at Asawa nitong si Pampi Lacson Masayang Ibinahagi na Magkakaroon na sila ng Baby Boy

Kagaya ng maraming babae ang pagiging isang ina ang pinakamahirap na karanasan sa buhay. Ito ay isang responsibilidad na kailanman ay panghahawakan. Ang pagkakaroon ng mga anak ang isa sa mga pinakamasayang regalo na binibigay ng maykapal.




Kagaya na lamang ni Iwa Moto na nagagalak sa pagdating ng kanilang anak na lalaki ni Pampi Lacson. Sila Iwa at Pampi ay nagkaroon na ng anak na babae, ang kanilang panganay na si Hiromi Aiko Eve. Ngayon, sina Iwa at Pampi ay lubos ang kasiyahan dahil ang kanilang pangalawang anak ay isang baby boy. Ayon kay Iwa, ibinahagi niya ang kasarian ng kaniyang anak at aniya sa kanyang post, siya ay excited na sa kanilang magiging pangalawang anak.

Photo credits: iam_iwa | Instagram

“Were having another boy❤️🤰🏻 excited na kami baby. Love you.”

Photo credits: iam_iwa | Instagram

Sa kanyang maternity pictorial, ipinakita ni Iwa na siya ay aliw na aliw sa pagkain habang nakalabas ang kanyang baby bump. Si Iwa ay nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagbibigay sa kanila ng napakagandang regalo ngayong pasko. Noong nakaraang Hulyo lamang nang ibinalita ni Iwa na magkakaroon sila uli ng anak ni Pampi sa pamamagitan ng pagbabahagi nito ng isang ultrasound result ng kanyang anak sa kanyang Instagram post.

Photo credits: iam_iwa | Instagram




Dagdag pa ni Iwa, na lahat sila ay nasasabik na makita ang kanyang baby boy kaya’t tuwang tuwa siyang habang kinakausap ang kanyang baby bump. Hindi pa man lumalabas ang kanyang anak ay ipinapakilala na niya ito sa buong mundo, bilang magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Photo credits: iam_iwa | Instagram

Hindi na bago kay Iwa ang isang pagiging ina dahil dalawa na ang batang kanyang minahal at inalagaan. Labis lang talagang natutuwa si Iwa na magkakaroon na siya ng sarili niyang anak na lalaki. Kaya’t lahat ng paghahanda sa kanyang panganganak ay ginagawa na niya upang hindi siya mahirapan.

error: Content is protected !!