Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Heaven Peralejo, Masayang Ibinahagi Na Nakapagtapos Na Siya Sa Kolehiyo Sa Kursong Business Management

Walang pagsidlan ng tuwa ang “Bagong Umaga” star na si Heaven Peralejo sa bagong tagumpay na kanyang nakamit. Nito lamang ika-17 ng Disyembre, ay masayang ibinahagi ni Heaven sa kanyang mga tagahanga na siya’y nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa wakas nga ay natapos ni Heaven ang kanyang bachelor’s degree in Business Management sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU).

Credits: Heaven Peralejo | IG

Sa kanyang Instagram, kalakip ng kanyang graduation photo ay inamin ni Heaven na hindi naging madali sa kanya ang makapagtapos ng pag-aaral habang nagtatrabaho. Ayon nga sa aktres, dahil nga sa kumikita na siya sa pag-aartista ay hindi sumagi sa isip niya ang makapagtapos ng pag-aaral.

“Graduate!!! I honestly never thought magagawa ko. Although I have to admit, finishing school never really crossed my mind anymore since I’m already earning. (ANG HIRAP!! Kaway kaway sa mga nakakarelate).”

Ngunit, dahil nga sa “motivation” ng kanyang ina na tapusin ang pag-aaral, kung saan nga ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon, ay nagawang magpursige ni Heaven at tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa kanyang post rin ay binigyang diin ni Heaven ang mga payo ng kanyang ina na magtapos siya ng pag-aaral dahil ang ningning ng tagumpay showbiz ay hindi panghabangbuhay.

“However, my mom kept on reminding me (more on to the nagging side na [emoji]) pasok ang litanya ‘Ang pag aartista pwedeng mawala anytime. Pero kung nakatapos ka pwede mong magamit ito to change career.’ Sampol pa lang yan sa mga sermon ni Mom dagdagan pa ng Barangay Family (eto talaga ang nakakatakot sa lahat!!! Parang lagi kang haharap sa thesis defense.”

Dahil nga dito, ay labis naman ang pasasalamat ni Heaven sa kanyang inang si Shiela Luanne Peralejo at sa kanyang pamilya na hindi nagkukulang sa pagbibigay ng gabay at suporta sa kanya sa tuwing nahaharap siya sa mga pagsubok.

“That being said, best support system talaga ang family. I’m very thankful for them, they keep me grounded.”

Ayon pa nga kay Heaven, ay hindi siya pinabayaan ng kanyang ina kung saan nga ay palaging nasa tabi niya para palakasin ang loob niya.

Credits: Heaven Peralejo | IG

“Kaya Mom, thank you for all your sacrifices and for imparting different morals and values in me. In times of self-doubt, lagi kang nandyan to remind me of who I am, knowing my capabilities more than I do. With that, I’m forever grateful and indebted to you.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, ay pinasalamatan naman niya ang kanyang alma matter at mga taong nagpakita ng pagsuporta sa kanya at nakasama niya sa kanyang journey na makapagtapos sa kolehiyo. At higit nga sa lahat, ay hindi nakalimutan ni Heaven na magpasalamat sa Diyos sa nakamit niyang tagumpay.

Credits: Heaven Peralejo | IG

“To the staff, educators, & administration of SISFU, thank you for all the support. To all my friends, my go-to rant buddies, nakaka inspire kayo. The lessons and insights that this journey has imparted in me have made it much more memorable.”

“Through it all, and what lies ahead– I am very grateful and blessed. THANK YOU LORD [emoji] Lahat ng ito Because of YOU!!!”

error: Content is protected !!