Connect with us

Entertainment

Aktres na si Glaiza De Castro, Ipinasilip ang Prenup Photoshoot nila ng Kanyang Fiancee na si David Rainey sa Ireland

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro, matapos alukin ng kasal ng kanyang Irish boyfriend na si David Rainey noong nakaraang Christmas eve.

Naganap ang nakakakilig na engagement proposal nang magbakasyon si Glaiza sa Ireland upang makasama ang pamilya ni David sa pagdiriwang ng holiday season.




Habang nasa Ireland nga ang aktres, ay talagang sinulit ng mag-fiancee ang bawat sandali na sila’y magkasama. At bago bumalik ng Pilipinas si Glaiza, ay nagkaroon muna sila ng kanyang fiancee ng prenup photoshoot na kamakailan ay ibinahagi sa Instagram ng photographer na si Paul Doherty.


Nilakipan naman ito ng mahusay na photographer, na kaibigan ni David ng caption na:

“Absolutely love working with these two @glaizaredux @david_rainey89”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Doherty (@doherty_paul)

Pahayag nga ni Glaiza sa panayam sa 24 Oras,

“Since puwede naman kaming lumabas within five kilometers from their house and apparently, may kaibigan siya or kakilala siya na photographer na naka-collaborate namin.”

Samantala, sa Instagram naman ni Glaiza ay sunod-sunod ang kanyang post ng kanilang naggagandang larawan sa kanilang prenup photoshoot. Sa isang Instagram post nga, ay makikita na parehong may hawak na surfing board ang dalawa habang masisilayan naman ang napakagandang tanawin sa kanilang likuran.




Maliban naman sa kanilang prenup photoshoot, ay may music video rin ang mag-fiancee na mismong si Glaiza ang nagsulat ng kanta.

Talaga nga namang makikita na handa na ring lumagay sa tahimik ang dalawa. Ngunit, sa ngayon ay wala pang ibinibigay na eksaktong detalye si Glaiza kung kailan sila ikakasal ni David.

Matatandaan naman na proud na ibinahagi ni Glaiza sa Instagram, ang magandang balita na siya’y engaged na sa kanyang boyfriend na si David matapos ang ilang taong relasyon bilang magkasintahan.

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather…. it just felt right.”

Sa isang panayam naman, ay inamin ni Glaiza na nag-aalinlangan siya kanyang boyfriend noong una. Ngunit, ngayon nga ay tila natagpuan na niya ang taong magbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan habang buhay.

“Noong time na nag-aalinlangan ako kung talagang siya ba talaga ‘yung tao para sa akin, laging may pinapakita si Lord na pagkakataon para sabihin sa akin na ito ‘yung binigay ko para sa ‘yo.”

“Masasabi ko na through David nararamdaman ko rin ‘yung blessing sa akin ni Lord, ‘yung pagmamahal niya sa akin, kasi pinaparamdam niya sa akin kung gaano ‘ko ka-special.”

error: Content is protected !!