Connect with us

Entertainment

Aktres na si Erich Gonzales, Ibinahagi ang Kanyang Hardin na Punong-puno ng mga Gulay, Prutas at mga Bulaklak

Published

on

Ang aktres na si Erich Gonzales ay isa sa mga hinahangaang artista sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang napakaganda at among mukha, kahanga-hanga rin ang husay niya sa pag-arte sa mga teleserye at pelikula.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na kabilang siya sa mga sikat na artista sa industriya ng showbiz. Sa kanyang sipag at tiyaga sa kanyang trabaho ay nakamit niya ang tagumpay na kanyang hinahangad. Ngunit, sa kabila nito, nananatili pa rin ang kanyang pagiging simple at mapagkumbaba.




Kamakailan lamang, ay nakuha ni Erich ang atensyon ng mga netizens sa social media matapos niyang ibahagi ang video ng kanyang pinagkakaabalahan ngayong quarantine, ang kanyang hardin na punong-puno ng iba’t ibang klaseng mga gulay at pananim na mga halaman.

Kung ang ilang artista ay hilig ang pagbabahagi ng kanilang magagarbong pamumuhay sa gitna ng krisis, ang aktres namang si Erich ay mas pinili na ibahagi ang kanyang payak na pamumuhay kung saan ay siya namang kanyang nai-enjoy. Matapos ibahagi ni Erich ang kanyang hilig sa pagkain ng sardinas, ngayon naman ay ibinahagi niya sa kanyang mga tagahanga ang masayang pagmamasid sa mga halaman sa kanyang hardin at pamamasyal rito. Kahanga-hanga ang hardin ni Erich dahil halos lahat ng pananim ay makikita na rito. Punong-puno ito ng mga gulay, prutas at mga halaman na namumulaklak.

“Lagi kung sinasabi na pag nandito ako sa bahay isa sa mga hilig kung gawin is mag garden. so today ipapakita ko sa inyo yung mga pinagtatanim natin dito sa bahay.”

Ipinasyal rin ni Erich ang kanyang mga tagahanga sa kanyang hardin at isa-isang ipinakita ng aktres ang mga pananim na makikita rito.




Halos lahat na yata ng uri ng halaman ay matatagpuan na sa hardin ni Erich, bukod sa mga gulay ay makikita rin ang ilang ornamental na halaman at mga bulaklak kagaya na lamang ng calachuchi. Maging ang tahanan nila ay napapalibutan rin ng mga halaman kagaya na lamang ng isang malaking puno ng niyog na nakakatulong upang magkaroon ng sariwang hangin at magandang panahon sa kanilang tahanan.

Makikita rin sa hardin ang iba’t ibang klase ng mga prutas at gulay kagaya naman ng papaya, mangga, kalamansi, pinya, guyabano at marami pang iba. Sa mataas na puno ng kalamansi ay gumagamit ang aktres ng hagdan upang maabot ang mga bunga nito. Maging bunga ng saging ay sa mismong bakuran na rin ng aktres kinukuha.

Kahanga-hanga na ngayong panahon ng quarantine, ay nagkakaroon ng oras ang aktres sa kanyang mga pananim. Pag-amin naman ni Erich, masaya siyang makita na ang mga halaman at mga pananim ay unti-unting lumalago at namumunga sa pagdaan ng panahon.

error: Content is protected !!