Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Ellen Adarna, Hinangaan Ng Marami Matapos Ipamalas Ang Talento Sa Pagtugtog Ng Piano

Marami ang humahanga sa aktres na si Ellen Adarna dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Ngunit, hindi lamang nga ito ang maipagmamalaki ni Ellen, dahil bukod sa maganda niyang mga katangian, ay tila napakapalad rin niya sa buhay dahil nagmula siya sa mayamang angkan sa Cebu.

Credits: Ellen Adarna | IG

Ang pamilya ni Ellen ay isa sa pinakamayaman sa Cebu na nagmamay-ari ng maraming negosyo at mga properties tulad ng resort, hotel at condominium. May pagmamay-ari ring templo ang kanyang pamilya at ito nga ay ipinatayo ng kanyang Lola. Tila nga, taglay na ni Ellen ang lahat, magmula sa magandang mukha, kaseksihan at kayamanan.

Ngunit, hindi dito natatapos ang maipagmamalaki ng aktres sa kanyang sarili, dahil maliban sa taglay na talento ni Ellen sa pag-arte ay taglay rin niya ang kahanga-hangang talento sa pagtugtog ng piano.

Sa pagdating ng pandemya at pagpapatupad ng quarantine ay mas mahabang panahon ang nagugol ni Ellen sa loob ng kanilang tahanan dahilan nga para muli niyang balikan ang kanyang passion sa pagtugtog ng piano.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa kanyang social media account ay naging sunod-sunod ang pagpost ni Ellen ng mga video kung saan masisilayan ang husay niya sa pagtugtog ng piano. Pinanga nga ni Ellen ang kanyang mga followers sa Instagram nang tugtog niya ng walang kahirap-hirap ang awitin ng Cold Play na The Scientist.

Sa isang hiwalay na post naman ay ibinahagi ni Ellen ang kanyang video habang tumutugtog ng Canon in D. At kapansin pansin nga na talagang kabisado na ni Ellen ang bawat pyesa ng awitin.

“It’s been months. My fingers are stiff. Adding this to my lockdown routine.”

Sa isang video naman ay enjoy na enjoy si Ellen habang tinutugtog ang paborito niyang kanta na A Thousand Miles. At habang tumutugtog nga, ay sumasabay rin si Ellen ng pag-awit ng nasabing kanta. Ayon pa nga sa aktres, ay ilang ulit na niya itong tinugtog at talagang hindi siya nagsasawa dito.

“Mao jud ni akon balikbalikon ever. Maskin piyongan. Maskin matog kaya ra. Naext lahi nasad promise! Last na jud ni.”

Hindi naman maikakaila na nakuha ni Ellen ang husay sa pagtugtog ng piano sa kanyang mga magulang. Ang kanyang daddy at mommy nga, ay taglay ang kahanga-hangang talento sa pagtugtog ng piano. Kung kaya’t proud na proud ring ibinahahi ni Ellen ang mga larawan ng kanyang ama at ina habang tumutugtog ng piano.

“My beautiful and talented Mommah. My bestfriend and sometimes my enemy,” saad ni Ellen na nilakipan pa ng hashtag na “igotitfrommymama”.

Ang larawan naman ng kanyang ama habang tumutugtog ng Chopin , ay nilakipan niya ng caption na:

Credits: Ellen Adarna | IG

“My first and forever love”

Credits: Ellen Adarna | IG

Samantala, inulan rin si Ellen ng mga komentong puno ng paghanga mula sa mga netizens. Talagang napahanga sila sa taglay na husay ni Ellen pagdating sa pagtugtog ng piano.

“Truly gifted! Beauty, talent and brain??proud bisaya here.”

“Grabe, bakit parang kahit anong gawin mo ang ganda parin.”

“Yung nanood ka lang pero ung puso ko naiiyak di ko alam kung dahil doon sa song o dahil sa pagtugtog mo ang husay eh. Partidang di pa yan seryoso.”

error: Content is protected !!